January 06, 2026

Home SHOWBIZ

'Makakapagpahinga na rin?' Netizens, nilaro congratulatory post ni Catriona Gray kay Emma Tiglao

'Makakapagpahinga na rin?' Netizens, nilaro congratulatory post ni Catriona Gray kay Emma Tiglao
Photo courtesy: Catriona Gray/FB, Emma Tiglao/FB


Aliw ang mga komento ng ilang netizens hinggil sa congratulatory post na ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para kay Miss Grand International 2025 Emma Mary Tiglao.

Ito ay kaniyang inilahad sa kaniyang X post nitong Linggo, Oktubre 19, matapos masungkit ni Emma ang Miss Grand International (MGI) 2025 crown, na nagmarka bilang historic back-to-back win ng Pilipinas sa kasaysayan ng nasabing patimpalak.

“Congratulations Emma!! ” saad ni Catriona sa caption ng post.

Photo courtesy: Catriona Gray/X

Nakatutuwang mga komento at reaksiyon naman ang ibinahagi ng netizens sa naturang post ng beauty queen.

Photo courtesy: Catriona Gray/X

Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

Photo courtesy: Catriona Gray/X

Photo courtesy: Catriona Gray/X

Matatandaang binabalik-balikan at ginagamit ng mga Pinoy bilang “coping mechanism” ang pagkapanalo ni Catriona sa Miss Universe 2018, kapag natatalo ang isang Pilipino sa isang patimpalak o kompetisyon sa ibang bansa, partikular na sa pageantry.

Dahil nga naman naiuwi ni Emma Tiglao ang MGI crown, pahinga muna si Catriona.

Vincent Gutierrez/BALITA

Inirerekomendang balita