January 09, 2026

Home FEATURES Trending

KILALANIN: Si Emma Tiglao, hinirang na Miss Grand International 2025

KILALANIN: Si Emma Tiglao, hinirang na Miss Grand International 2025
Photo courtesy: Emma Mary Francisco Tiglao (FB)

Inuwi ni Emma Tiglao ang korona bilang Miss Grand International 2025 nitong Sabado, Oktubre 18 sa Bangkok Thailand. 

Bukod pa sa pagiging Miss Grand International 2025, nakamit din ni Tiglao ang “Country’s Power of the Year” title sa semi-finals, na first-time makamit ng Pilipinas sa patimpalak. 

Pinatunayan din ni Tiglao na isa rin siyang “beauty with a brain” nang magbahagi siya ng kaniyang sentimiento tungkol sa mga katiwaliang  nangyayari sa bansa.

“As a journalist, my heart aches for my country drowned by corruption, for the lives lost, the earthquakes, and typhoons,” aniya. 

Trending

#BalitaExclusives: Commuters sa mala-‘Final Destination’ na MRT overcrowding dismayado, nananawagan ng agarang solusyon

Nakisimpatya rin siya sa mga kapwa mamamahayag na namatay dahil sa patuloy na gyera sa Gaza. 

“And the journalists who died for truth, we are not born in fear. but to hope, to love, and to live in peace. Peace begins when parents teach children with compassion, leaders embody humility, youth find their purpose, and when we live with empathy and kindness,” aniya pa. 

Sa kaniya namang sagot sa katungan tungkol sa nararapat na parusa hinggil sa scam, ibinahagi ni Tiglao na mahalaga na pagtibayin ang justice system ng mga pamahalaan para mapanagot ang mga nagsasamantala. 

“As someone who reports this kind of stories, I really want to use the power of balance—us people to be educated and aware for us to not be scammed and the help of the government to enhance their justice system for the scammers to be behind bars, to be accountable. 'Cause one day, I hope that we will live in a peaceful world where no one should deceive just to survive. Thank you,” aniya. 

Dahil sa natatanging ganda at talinong naipamalas ng Kapampangan Pride, kilalanin kung sino si Emma Tiglao sa likod ng korona at ang naging pagsisimula niya sa industriya ng beauty pageant. 

Ipinanganak noong Disyembre 8, 1994, si Emma Mary Tiglao ay mula sa Mabalacat City, Pampanga. 

Nakuha niya ang kaniyang degree sa Tourism Management sa Holy Angel University, kung saan, nahasa ang kaniyang kaalaman sa Filipino hospitality, culture, at global representation. 

Bukod pa rito, kilala na si Tiglao sa kaniyang angkin na karisma, kahusayan sa pag-aaral, at hilig sa komunikasyon, at performing arts, na kalauna’y nagamit niya sa kaniyang karera bilang beauty queen at mamamahayag. 

Sa mundo ng media, siya ay isang TV presenter at event host. 

Naging isa rin siya sa lead anchor ng “Mata ng Agila Primetime” sa NET 25 kung saan hinangaan siya dahil sa kaniyang poise sa harap ng screen habang nagbabalita ng mga pangyayari sa bansa. 

Si Tiglao ay mayroon ding humanitarian works na nakatuon sa edukasyon, youth empowerment, at cultural appreciation. 

Dito rin ay aktibo siya sa mga programang sumusuporta sa mga kapos-palad na estudyante sa bansa. 

Dahil sa kaniyang mga adbokasiya, isa ring motivational speaker si Tiglao, at madalas na nakikiisa sa mga charity gala, university event, at national celebration, kung saan, siya ay nagbabahagi ng mga kaalaman sa women empowerment, confidence, at pagpapakatotoo. 

Sa labas naman ng camera at spotlight, si Tiglao ay mahilig sa pagta-travel, sining, photography, at pagbabahagi ng oras sa kaniyang pamilya. 

Beauty pageant journey

Ang pagpasok ni Tiglao sa Mutya ng Pilipinas 2012 ang nagbunsod sa kaniyang unti-unting pagningning sa industriya ng beauty pageant. 

Dito ay nakilala siya bilang isa sa mga “promising beauty queens” ng Pampanga.

Sa pagsali naman niya sa Miss World Philippines 2015, siya ay kinoronahan naman bilang 4th Princess. 

Taong 2019, nirepresenta ni Tiglao ang Pilipinas sa Miss Intercontinental 2019 sa Egypt, kung saan nakamit niya ang puwesto sa Top 20. 

Dito ay pinuri siya dahil sa kaniyang malinaw na komunikasyon at nakabibighaning stage presence. 

Sa mga tagumpay na ito, si Tiglao ay isa sa mga kinikilalang “most accomplished beauty queens of her generation,” dahil sa kaniyang pakikipagkapwa-tao at pagiging inspirasyon sa iba pang Pinay. 

Sean Antonio/BALITA