January 06, 2026

Home FEATURES Human-Interest

KILALANIN: Dating Satanista na kikilalaning santo ng Simbahang Katolika

KILALANIN: Dating Satanista na kikilalaning santo ng Simbahang Katolika

Isang kakaibang kuwento ng pananampalataya ang bumabalot sa isa sa mga pitong indibidwal na idedeklarang santo ng Simbahang Katolika anumang oras mula nitong Linggo, Oktubre 19, 2025.

Si Bartolo Longo na isang abogado na minsang nahulog sa kadiliman ng Satanismo, ay kalauna’y naging isa sa pinakamaliwanag na lay apostles ng Simbahang Katolika.

Nag-aral siya ng law sa University of Naples, kung saan ang mga intelektuwal na kaisipang namayani noon — gaya ng positivism, rationalism, at spiritualism — ang sinasabing naglayo sa kaniya sa pananampalatayang kinalakhan niya.

Napadpad si Longo sa mga kulto, at sa isang yugto ay nagsilbi pa bilang isang itinalagang “satanic priest.”

Human-Interest

ALAMIN: Gaano katagal bago mapanis mga hinandang pagkain noong holiday?

Subalit, ayon kay Fr. Salvatore Sorrentino, direktor ng historical “Bartolo Longo” archive sa Pompeii at may-akda ng isang aklat tungkol kay Longo, sinabi niya sa OSV News: “The most surprising thing that emerges from his writings is, first of all, his boundless love for the Virgin Mary. Bartolo Longo can be considered, in every sense, a Marian mystic."

Sa kabila ng pagiging satanista ni Longo, nanatili umano ang kaniyang debosyon sa Birheng Maria. Isang debosyon at pagmamahal na nagpanumbalik sa kaniya sa Kristiyanismo. Hindi niya tuluyang tinalikuran ang araw-araw na pagdarasal ng rosaryo — isang debosyong nahubog pa noong kanyang pag-aaral.

Ayon pa sa ibang mga tala ng mga eksperto, noong Mayo 29, 1865 tuluyang nagbalik-loob sa Diyos si Longo.

Mula noon, unti-unti niyang inalay ang sarili sa misyon ng pagbabangon ng pananampalataya sa Pompeii — isang lugar na winasak ng pagsabog ng Mount Vesuvius 79 taon matapos ipanganak si Kristo. Libo-libo ang nasawi sa trahedyang nagbaon sa sinaunang lungsod sa ilalim ng abo, ngunit sa pagsisikap ni Longo nagsimulang muling umangat ang Pompeii mula sa pagkawasak.

Noong 1885, pinakasalan ni Longo si Countess Mariana di Fusco, isang biyuda na kapwa niya tagapagtaguyod ng Marian devotion at tagapagsulong ng paglilingkod sa mahihirap. 

Pinamahalaan nilang magkasama ang mga gawaing puno ng debosyon habang pinagsasama ang panalangin at paglilingkod.

Inirerekomendang balita