Naghayag ng pasasalamat si Kapamilya Primetime King Coco Martin sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa ika-40 anibersaryo nito.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Oktubre 18, itinampok ang panayam kay Coco sa ginanap na pagdiriwang.
Ayon kay Coco, “Nagpapasalamat kami sa lahat ng guidance na ibinibigay nila sa amin. Honestly, lagi kaming pinapatawag ng MTRCB para bigyan ng gabay.”
“Siyempre alam naman natin dahil aksyon na teleserye ang ginagawa natin, medyo marami kami minsang nalalagpasan. Nandiyan naman si [MTRCB] chairman Lala Sotto para gabayan kami,” dugtong pa niya.
Kaya naman natutuwa umano si Lala kay Coco dahil lagi umanong present ang huli sa opisina ng MTRCB para makipagdiyalogo.
“Pagbibigay-galang, lalong-lalo na kami bago lang kami sa pagpoproduce. Siyempre Para ‘yong guidance alam din namin ‘yong limitation dahil maraming mga batang nanonood din,” ani Coco.
Matatandaang noong nakaraang taon ay inalmahan ng netizens at viewers sa mga karahasang naranasan ng mga babaeng karakter sa action-drama series ni Coco na "FPJ's Batang Quiapo."
Maki-Balita: 'Batang Quiapo' sinisita dahil puro violence, rape sa mga babaeng karakter