Binalikan ni “Eat Bulaga” host at Henyo Master Jeoy De Leon ang alaala ng pagiging isang Kapamilya niya.
Sa latest Instagram post ni Joey noong Sabado, Oktubre 18, ibinahagi niya ang employment letter na ipinadala sa kaniya ng ABS-CBN noong October 1969.
Nakasaad sa nasabing liham ang pag-reclassify sa employment status ni Joey mula sa temporary patunong permanent. Nakalagay din dito ang karagdagang ₱10 na sahod niya mula ₱200 na naging ₱210.
Pirmado ito ni Lorenzo E. Tañada Jr. na noo’y Assistant Vice President for Administration ng ABS-CBN Broadcasting Corporation.
“I was a ‘Kapamilya’ once upon a time. ,” sabi ni Joey.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang post mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Sir joey napaka legendary ng contract na yan.. astig!"
" GALING ng looks NYO noon LODI . Astig na pilyo "
"Yung pirma nyo Boss Joey halos di na nagbago since then. That trademark J at the start. Nakapagpapirma ako ng Joey to The World album sa nyo Boss "
"Pinag usapan yung 210 pesos na increase sa salary mo dyan boss Joey."
"It was '92 as I recall, being in EB on Channel 2 was a different feeling. Thank you Sir Joey and the Dabarkads for that memory."
"Thanks Joey for many years did work in different tv networks especially on ABSCBN"
"You’re one of the OG’s of ABS, pala Sir Joey"
"naka museum na ba sa bahay mo yung printed tile na may ABS LOGO? natandaan ko pinakita mo yun dati"
"labas na rin yung tiles ng abs-cbn bldg na memorabilia mo"
Matatandaang bago pa man magsilbing host sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” nagsimulang magtrabaho si Joey sa ABS-CBN noong dekada ‘60 bilang radio deejay.
Sa isang panayam ni Queen of All Media Kris Aquino noong 2011, sinabi ng Master Henyo na naabutan pa raw niya ang lolo ni Gabby Lopez III.