Ipinag-utos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pansamantalang pagsasara ng kahabaan ng Bukidnon-Davao City Road na gumuho noong Sabado, Oktubre 19, 2025.
Ayon sa opisyal na pahayag ng DPWH nitong Linggo, Oktubre 19, inihayag ng nasabing ahensya na nakapag-deploy na sila ng mga tauhang mag-assess sa kabuuang pinsala ng nasabing kalsada.
“The Department of Public Works and Highways (DPWH) has already mobilized teams to assess the damaged Bukidnon-Davao City (BuDa) Road in Palacapao, Quezon, following President Ferdinand Marcos Jr.’s directive to ensure complete mobility and inter-province connectivity for motorists and movement of essential goods between the two provinces,” anang DPWH.
Saad pa ng DPWH, “Public Works Secretary Vince Dizon has ordered the immediate temporary closure of the road while the assessment team investigates.”
Matatandaang, dalawang tao ang napaulat na nawawala matapos matabunan ng gumuhong lupa. Patuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng mga awtoridad upang mahanap ang dalawang biktima na kapuwa residente umano mula sa Bukidnon.