Tila naniwala ang ilang netizens hinggil sa post ng isang Facebook page na nagsasabing patay na umano ang aktor na si Derek Ramsay.
Mababasa sa Facebook post ng Star Spotlight News kamakailan, na pumanaw na umano si Derek sa edad na 48.
“DEREK RAMSAY OFFICIALLY BIDS FAREWELL AT 48 – SOCIAL MEDIA FLOODS WITH EMOTIONS AS FANS AND CO-STARS MOURN THE LOSS OF A LEGEND!” anila.
Photo courtesy: Star Spotlight News/FB
Makikita naman ang tila pagdadalamhati ng netizens matapos mabasa ang nasabing post.
Photo courtesy: Star Spotlight News/FB
May iba rin namang hindi naniniwala sa naturang death hoax.
“Nag kakasala po kayo Sa ginagawa ninyo”
“Yang nag post niyan bukas kukunin na Yan ni satanas Yan Ang ilalagay dyan sa kabaong na post Niya puro ka fake news kumikita ka nga may sinisira ka Namang tao”
“Dapat kasuhan yang mga ganyan”
“marami n ngan kalamidad sa atin bansa manga fake new pa ang post niyo”
Wala pang komento, reaksiyon, o pahayag si Derek hinggil dito, maging ang kaniyang mga kaanak at malalapit na kaibigan.
Vincent Gutierrez/BALITA