Natuwa ang netizens sa pagwagayway ng “Pinoy humor” sa kamakailang update ng Sydney Airport sa kanilang social media.
Sa kasalukuyang viral TikTok reel ng Sydney Airport, nag-post sila ng zero visibility update sa kanilang runway dahil sa fog.
Ang umagaw ng atensyon dito ay ang audio na ginamit ng airport mula sa isang Filipino content creator na si Ka-Nyunyer, na tila hindi mabigkas nang maayos ang salitang “visibility” habang siya ay nagbibigay ng update sa zero visibility ng kalsadang dinadaanan.
Ang nasabing viral TikTok reel ng Sydney Airport ay umani na ng 682K engagement, na sinamahan pa nila ng karagdagang komento na “No offence meant here. Respect and joy only. This sound is iconic! .”
Dahil dito, hindi rin pinaglapas ng ilang Pinoy netizens na ibahagi ang kanilang reaksyon sa comment section.
“UY! PANO NAKARATING NG SYDNEY TONG AUDIONG TO HAHAHAHAHA”
“In the begingging with sero bilisibity”
“[L]ike we're conquering this social media as a comedians ”
“HOYYYYYY THE FILO HUMOR IS ALWAYS..... everywhere ”
“Who's your marketing? A [F]ilipino? Give him/her a raise hahahahha”
“As a Filo, I approve ”
“UY PILIPINS”
“[M]eron na kalaban yung in the beninging”
Bukod pa rito, aktibong nag-heart react ang Sydney Airport at sinakyan pa ang ilang komento, na lalo pang nagpabenta sa viral reel.
“How long have the social media team been waiting to drop this one ,” tanong ng isang netizen.
“[I]t's been in draft for weeks! ,” sagot naman ng Sydney Airport.
“[T]he social media team probably had this audio saved since september ,” ani ng isa pang netizen.
“[S]een ” pagsakay ng Sydney Airport.
Maging ang content creator na si Ka-Nyunyer ay nagkomento rin sa reel.
“That is my voice ,” saad ni Ka-Nyunyer.
“ICONIC” pagkilala ng Sydney Airport.
Ang nasabing original audio ni Ka-Nyunyer sa TikTok ay nag-viral noong Setyembre 25, na umabot sa 45K engagement sa TikTok.
Ayon sa ilang netizens, ang kaniyang reel ay nagdulot para makalimutan nila ang totoong pagbigkas ng salitang “visibility.”
Sean Antonio/BALITA