January 04, 2026

Home BALITA Internasyonal

US passport, wala na sa Top 10 most powerful passports, Asian countries, nangunguna

US passport, wala na sa Top 10 most powerful passports, Asian countries, nangunguna

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng dalawang dekada, bumagsak ang Estados Unidos sa listahan ng sampung “most powerful passport” sa buong mundo.

Ayon sa pinakabagong Henley Passport Index—isang ranking na sumusukat kung ilang bansa maaaring makapunta ang isang passport holder na walang kinakailangang visa, isinaad nito na nasa ika-12 puwesto na ngayon ang US Passport, kapantay ng Malaysia.

Noong 2024, nasa ika-7 puwesto pa ang U.S., bago ito bumaba sa ika-10 noong Hulyo 2025.. Malayo sa tugatog nito sa nasabing ranking noong nakalipas na 10 taon. 

“The declining strength of the US passport over the past decade is more than just a reshuffle in rankings – it signals a fundamental shift in global mobility and soft power dynamics,” ani Christian Kaelin, Chair ng Henly and Partners sa isang press release noong Oktubre 14, 2025.

Internasyonal

Embahada ng Pilipinas, nakaantabay sa pangangailangan ng mga Pinoy sa Switzerland

Dagdag pa niya, "Nations that embrace openness and cooperation are surging ahead, while those resting on past privilege are being left behind.”

Ayon pa sa Henley Passport Index, nanguna sa nasabing ranking ang mga Asyanong bansa na Singapore kung saan nasa 193 destinations na visa-free access ang maaaring mapuntahan gamit ang Singapore Passport. Sumunod dito ang South Korea na may visa-free access sa 190 bansa at Japan na may 189. 

Ayon sa mga eksperto, ang pagbaba ng ranggo ng U.S. ay kasabay ng pagpapatupad ng mas mahigpit na mga polisiya sa imigrasyon sa ng administrasyong Trump, na unang tumutok sa pagpigil sa illegal migration ngunit kalauna’y lumawak hanggang sa mga turista, dayuhang manggagawa, at foreign students.

Samantala, sumadsad din sa nasabing ranking ang Philippine passport matapos itong bumaba mula 73rd patungong 79th place. Narito ang historical ranking ng Pilipinas sa HPI sa loob ng mga nagdaang taon:

2025 - 79th

2024 - 73rd

2023 - 78th

2022 - 77th

2021 - 83rd

2020 - 74th

2019 - 77th

2018 - 75th 

KAUGNAY NA BALITA: 'From 73rd to 79th place!' PH passport sumadsad sa global passport ranking