January 26, 2026

Home BALITA Politics

'May comeback?' SP Sotto, iginiit posibilidad na pagbalik ni Lacson bilang Blue Ribbon Chair

'May comeback?' SP Sotto, iginiit posibilidad na pagbalik ni Lacson bilang Blue Ribbon Chair
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

May posibilidad pa umanong maibalik kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang kaniyang posisyon bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ibinunyag ito ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa isang radio interview nitong Sabado, Oktubre 18, 2025.

"Ang sinasabi ko lang is may posibilidad,” ani Sotto.

Dagdag pa niya, "In other words, ‘di ko pwedeng sabihing imposible na.”

Politics

SP Sotto pinaghahandaan na impeachment vs. PBBM, VP Sara

Ayon kay Sotto, kasalukuyan pa niyang pinag-aaralan ang hiling na house arrest ng mga sinibak na inhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza, habang patuloy siyang kumukonsulta sa mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee. Sa ngayon, pinamumunuan ng acting chairman na si Senator Erwin Tulfo ang nasabing komite.

"Hopefully, makatawag kami ng meeting very soon before the end of October, and then hopefully, baka medyo makumbinsi natin si Senator Lacson na bumalik. All's well that ends well,” anang Senate President.

“Karamihan ng kasama ko sa majority gusto eh. Gusto siya bumalik eh,” saad pa niya. 

Matatandaang nagbitiw si Lacson bilang chairman ng komite matapos umanong hindi sang-ayunan ng ilan sa kaniyang mga kasamahan ang paraan ng kaniyang imbestigasyon sa mga iregularidad sa flood control projects.

MAKI-BALITA: 'Maybe stepping down is an option!' sey ni Lacson, sa pagiging Blue Ribbon Chair niya

Ayon kay Sotto, mas makabubuting manatili si Lacson bilang kritiko. Tumanggi naman si Lacson sa panawagan ng ilang senador na bawiin niya ang kaniyang pagbibitiw sa posisyon.