December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Maureen Larrazabal, Ara Mina 'nagsabong' dati dahil sa lalaki

Maureen Larrazabal, Ara Mina 'nagsabong' dati dahil sa lalaki
Photo Courtesy: Maureen Larrazabal, Ara Mina (IG)

Ibinahagi ng aktres na sina Ara Mina at Maureen Larrazabal ang naging away nila noon dahil sa isang lalaki.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Oktubre 18, sinabi ni Maureen na huminto raw sila sa taping noon ng “Bubble Gang” dahil sa away nila ni Ara.

“There was a time, kaming dalawa (Ara), nag-away kami, e. Nag-stop taping kami because of that. Because of my ex, misunderstanding. Just two days ago, pinag-usapan din namin. And we’re just laughing,” lahad ni Maureen.

Ayon kay Maureen, gumawa raw ang ex niya ng isyu sa kanila ni Ara. Tila pinagsabay umano sila nito. Kaya naman noong nasa taping, pinatigil sila ng kanilang executive producer para makapag-usap. 

Musika at Kanta

Tawag sa kaniya, ‘Maui Wowie!’ Darren, natuwa sa pag-viral ng ‘Maui Wowie’ performance

“And naayos naman namin, iniwanan kami sa loob ng tent, dalawa lang kami,” ani Maureen.

Segunda naman ni Ara, “Ang maganda sa Bubble, kami, sina Bitoy, Ogie [Alcasid], lahat, all the girls, parang isang family kami, e. 'Pag kunwari may umiyak sa amin na heartbroken, damay lahat…'yong dadamayan ka.”

Sa ngayon, may kaniya-kaniya nang buhay pag-ibig ang dalawa. Bagama’t hindi kasal, higit dalawang dekada nang kasama ni Maureen ang kaniyang partner. 

Samantala, nasa isang blended family naman si Ara. Kasal siya sa negosyanteng si Dave Almarinez na may anak sa dati nitong asawa tulad niya.