December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

John, fan ni Daniel; boto rin bang maging jowa ni Kaila?

John, fan ni Daniel; boto rin bang maging jowa ni Kaila?
Photo Courtesy: John Estrada, Kaila Estrada (FB), Daniel Padilla (IG)

Aminado ang aktor na si John Estrada na tagahanga na siya ni Kapamilya star Daniel Padilla hindi pa man nauugnay ang huli sa anak niyang si Kaila Estrada.

Sa latest episode ng vlog ni Dolly Anne Carvajal noong Biyernes, Oktubre 17, ibinahagi ni John ang mga nagustuhan niya kay Daniel, na minsan na rin niyang nakasama sa pelikulang “Must Be…Love” noong 2013.

“Gusto ko kay DJ, marespeto. Palagi ko ngang sinasabi kay Karla [Estrada], ‘Alam mo, ang galing ng pagpapalaki mo sa mga anak mo. [...] Kahit superstar ‘yong tao, mapagkumbaba,” saad ni John.

Dagdag pa niya, “Alam niya kung sino ‘yong mga naunang artista sa kaniya. So, yeah, I’m fan of DJ.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Pero nang tanungin si John kung boto ba siya kay Daniel sakaling makatuluyan nito si Kaila, natawa muna siya bago nakasagot.

“Hindi ko po alam. Bahala na sila,” anang aktor.

Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Setyembre, Inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz na mag-jowa na umano ang dalawa. 

Maki-Balita: Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz

Ngunit nang tanungin si Daniel ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe sa isang panayam, hindi niya itinanggi o pinabulaanan ang nasabing tsika.

Sabi lang niya, “Huwag n’yo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay. And again, ayaw ko siyang maging showbiz, e. Well 'di pa rin naman maiiwasan 'di ba pero may choice pa rin naman ako, 'di ba?”

Maki-Balita: Ayaw magpaka-showbiz! Daniel Padilla, naurirat kung may jowa na

Samantala, nananatili pa ring tikom ang bibig ni Kaila sa real-score nila ni Daniel. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.