December 14, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Instant pawrener: Rescued aspin na wala na halos balahibo, sumakses sa Amerika!

Instant pawrener: Rescued aspin na wala na halos balahibo, sumakses sa Amerika!
Photo courtesy: Screenshots from G Moreno/ iamgmoreno (TikTok)

Pinusuan ng mga netizen lalo na sa pet lovers ang viral TikTok video ng uploader na si "G Moreno" matapos niyang ibahagi kung paano niya ni-rescue ang isang aspin o asong Pinoy habang nasa Pilipinas, at isinama siya sa Los Angeles, California, US kung saan kitang-kita ang amazing dog transformation nito.

Salaysay ni Moreno sa caption ng TikTok video, nakita niya sa isang beach resort sa Batangas ang isang payat at halos kalbo nang aso na palakad-lakad at tila naghahanap ng awa at pagkain.

Araw-araw daw ay halos sumusunod sa kanila ang aso, na tila umaasang mabigyan ng kaunting pagkain. Doon siya madalas matulog sa harap ng kanilang kubo, sa isang lumang basahan na nagsilbi na niyang kanlungan.

"Just a quick story : when we found Scooby at the beach resort we were staying in Batangas Philippines, he use to follow us for food and stayed sleeping on the rug infront of our 'kubo' (HUT)," aniya.

Kahayupan (Pets)

Alagang pusa, nategi dahil sa maling pagkakaunawa sa ‘pampatulog’

Bilang isang dog lover, nabagbag ang puso ni Moreno kaya agad nilang dinala sa beterinaryo ang aso, na pinangalanan nilang Scooby. Bukod dito, hindi nila iniwan basta si Scooby kundi dinala na rin sa Amerika.

Kahit na kakaunti na lamang daw ang blood platelets, isang "fighter" daw si Scooby kaya kinaya nito ang gamutan. Hanggang sa lumipas ang mga araw, talaga namang kitang-kita ang unti-unting pag-bloom ng aso.

"We gave him a bath and fed him, named him Scooby. He started to protect us, guarding and acting like he is our dog, we fell in love with him and decided to take him with us! We brought him straight to the vet and realize that he is suffering not just from mange but also blood parasite that almost killed him."

"The lab test result says thats he only have 1% of blood platelets left. It was a long healing process but Scooby is a [fighter]! He made it! It is a bit expensive but I know that this is God's plan and no money can ever replace his life. My precious little baby Scooby. He’s a good boy! Very loyal dog!"

Makalipas ang ilang buwan ng gamutan, pag-aalaga, at pagmamahal, tila milagro ang nangyari. Muling tumubo ang makinis na balahibo ni Scooby, kumikislap na ang mga mata, at puno ng sigla ang bawat tahol.

Ngayon, nasa Amerika na siya—malayo sa mapanganib na lansangan kung saan siya unang nakita.

Sa mga larawang ibinahagi ni Moreno, makikita ang kahanga-hangang transformation ni Scooby: mula sa payat at sugatang aso sa Batangas, ngayon ay isang malusog, masigla, at masayang alagang tila laging nakangiti. Ibinahagi rin ni Moreno ang ilang mga larawan ni Scooby kasama ang iba pang mga aso, at ang pagsama niya rito sa beach at iba pang lugar sa California.

Kuwento pa ni Moreno sa isa sa mga commenter ng post, ilan daw sa mga Amerikano ang napapatanong pa sa kaniya kung anong breed ni Scooby.

"Madaming nag tatanong mga american po ano daw lahi siya, mga mayayaman pa gusto ata nila bilhin si Scooby but i proudly tell them that he is an aspin! A filipino dog," proud na sabi ni Moreno.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"See!!! Aspin can look expensive too lalo na pag inaalagaan."

"Ang pogi. Naging pawrener na eh."

"isa na naman pilipino ang nakaahon sa kahirapan"

"Isang aspin na naman ang sumakses!"

"You just give him the best plot twist of his life, and I can assure you he will never forget that till his last breath."

"lumalabas talaga ang ganda ng aso kahit walang breed kapag naaalagaan ng maayos, thank you poooo."

Sabi nga, isang "pawnerer na Pinoy" ang sumakses sa ibang bansa. Kaka-proud!