Tila naiinip na si Kapuso actress Gabbi Gacia na maparusahan na ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sa latest X post ni Gabbi noong Biyernes, Oktubre 17, nangumusta siya at ipinaalala sa publiko na wala pa ring korap na nananagot hanggang ngayon.
“[H]ello kumusta, wala parin nakukulong. wala parin nalalagot anuna,” saad ni Gabbi.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"gamitan mo ng brilyante ng tubig alena upang masindak sila"
"dba? kailangan ulit nating kumilos at kalampagin yan sila. masyadong mabait ang last rally, wlng effect sa kanila. may nahuli sa mga nag rally pero sa magnanakaw? fininger heart lng tayo ni discaya."
"makakalaya na't lahat sina Sang'gre Alena, wala pa rin nanakukulong at nananagot "
"Waley, nagpapanggap lang ata na busy sila"
"kakagising ko pa lang akala ko this tweet was about you and the other sanggres na nakakulong sa ice candy haha pero reyal"
"Sad to say wala na tayong maaasahan sa gobyerno natin "
"Asa ka pa! But, hopefully!"
"akala nila makakalimutan natin"
"rally ulit mhie"
"Parang wala naman atang plano...hanggang hearings lang naman ata sila."
Matatandaang isa si Gabbi kasama ang nobyo niyang si Khalil Ramos sa mga lumahok sa ikinasang kilo-protesta sa EDSA Shrine noong Setyembre 21.
Pero bago pa man pumutok ang protesta, bumoboses na si Gabbi kaugnay sa isyu ng korupsiyon. Sa katunayan, hinimok pa niya ang publiko na magsalita na rin.
Maki-Balita: Gabbi Garcia, hinimok ang publiko na magsalita sa nangyayari sa bansa: 'Tama na pagtitiis!'
Aniya, “We all know what's going on. It's about time people should speak up, people should fight for what's right, and we have to hold people accountable for all of their actions.”