December 13, 2025

Home BALITA

'Dito na lang sa tunay na takbuhan:' Torre, magsasagawa ng Fun Run kontra bullying

'Dito na lang sa tunay na takbuhan:' Torre, magsasagawa ng Fun Run kontra bullying
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Kasabay ng usapin sa pagtanggi ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III sa “alok” na tumakbo bilang Vice President, isinusulong niya ang “tunay na pagtakbo” sa isang Fun Run bilang parte ng kaniyang adbokasiyang labanan ang bullying. 

Ayon sa naging panayam ni Torre sa “Sa Totoo Lang” ng OnePH noong Biyernes, Oktubre 18, 2025, sinabi niyang panahon na upang manindigan para sa mga biktima ng bullying. 

“Nakikita ko na, I think, it’s time for us to speak up kasi marami ang nagiging biktima niyan [bullying],” pagsisimula niya. 

Pagpapatuloy ni Torre, mula raw sa mga pampersonal niyang karanasan sa bullying mula noong bata siya ang basehan ng adbokasiya niyang labanan iyon. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Sa mga lalabas na video teasers in the next few days, may mga ginawa ako from personal experiences simula noong bata ako hanggang sa ngayon. Ito ang naging basehan ng pagbuo ng advocacy na ito,” pagkukuwento niya. 

Nilinaw din ni Torre na mas kaya niya umanong tumakbo sa nasabing fun run upang labanan ang bullying imbis na tumakbo bilang Vice President. 

“Naku, dito muna tayo sa fun run dahil kaya natin ito. May mga tutulong sa atin sa mga finances nito. Pero ‘yong ibang pagtakbo, I don’t think na nasa horizon ‘yan sapagkat hindi ko nga alam kung paano gagawin diyan[...]” paggigiit niya. 

Ani Torre, hindi umano sila umaasa na malaki ang malilikom nilang salapi sa fund raising pero hinahangad nilang mabawi kahit papaano ang naipondo nila para sa nasabing proyekto. 

“We don’t expect na malaki talaga ang kikitain natin dito. This is really not for profit. Ang sa amin lang dito, mabawi lang ‘yong magagastos natin na mgg overhead and ancillary services, okay na kami,” ‘ika ni Torre. 

“Ang sa amin dito is awareness. We just want to send a message sa mga bata, especially sa mga youth na mga estudyante na nabu-bully, na nandito kami,” pahabol pa niya. 

Ayon pa kay Torre, magsisilbi umanong tulay ang Fun Run na kanilang isasagawa upang magkaroon ng malalapitan ang kabataan na nakaranas ng bullying. 

“Ito ay isang laban na hindi nila kailangang harapin mag-isa. They can reach us to us na may foundation tayo na pinapatayo regarding that matter. That we will be tying up with the schools and the other telecommunication company para maka-reach sila sa atin,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: 'Baka ma-impeach agad ako!' sey ni Torre sa posibleng pagtakbong VP sa 2028

Mc Vincent Mirabuna/Balita