December 13, 2025

Home BALITA

Confirmation of charges ni FPRRD, itatakda agad sakaling mapatunayang ‘fit to stand trial’—Conti

Confirmation of charges ni FPRRD, itatakda agad sakaling mapatunayang ‘fit to stand trial’—Conti
Photo Courtesy: Kristina Conti (FB), via MB

Nagbigay ng bagong ulat si International Criminal Court (ICC) Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti kaugnay sa pagdinig ng confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity.

Sa latest Facebook post ni Conti nitong Sabado, Oktubre 18, sinabi niyang noong nakaraang tatlong linggo ay nagtalaga ang ICC Pre-Trial Chamber I ng tatlong panel of independent experts para suriin ang kondisyon ng kalusugan ni Duterte.

“One is an expert on forensic psychiatry, one on neuropsychology, and one on geriatric and behavioral neurology. Their report, which most likely be confidential, is due on October 31, 2025,” saad ni Conti.

Dagdag pa niya, “The defense, the prosecution, and the OPCV (speaking for victims) are given until November 5, 2025 to submit their observations.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Kaya kung makukumbinse umano ng reports ang mga hukom na ideklara na may kakayahan si Duterte na humarap sa paglilitis, ipagpapatuloy ang pagdinig sa confirmation of charges nito sa lalong madaling panahon.

Ani Conti, “We hope to have the charges finalized and the trial start in 2026.”

Samantala, kung mapatunayan namang hindi kayang humarap ng dating pangulo, ipagpapaliban ng mga hukom ang kaso. 

“He will remain in the custody of the ICC and the case will be reviewed every 120 days (four months),” anang ICC Assistant to Counsel.

Matatandaang hindi pinayagan ng (ICC) ang interim release ni Duterte noong Oktubre 10. Kinuwestiyon nila ang humanitarian grounds hinggil sa medikal na kondisyon nito habang nakapiit sa kanilang kustodiya.

Maki-Balita: 'Rejected!' 'Humanitarian reasons para sa interim release ni FPRRD, 'di pinayagan ng ICC