December 16, 2025

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Kapag tinanong ka ng 'How do you like your steak,' anong isasagot?

ALAMIN: Kapag tinanong ka ng 'How do you like your steak,' anong isasagot?
Photo courtesy: Freepik

Para sa mga nakakain na sa steakhouse, marahil ay naitanong na ang million-dollar question na, “how do you like your steak?” sa pagkuha ng order. 

Kung first-timer ang oorder, malamang ay nakakapawi ng gutom ang tanong at mapapalitan ito ng kaba o hiya dahil hindi ito kadalasang naririnig sa iba pang restaurant. 

Kaya kinatuwaan ng netizens ang reel ng isang social media content creator na si Chakie Starr nang humirit ito sa waiter na nagtatanong sa kaniya ng “how do you like your steak?” habang nag-oorder ng pagkain. 

“I like it very much,” hirit ni Chakie. 

Trending

KILALANIN: Ang pumanaw na PBA Legend na si Jimmy Mariano

Bagama’t natatawa, itinuloy ng waiter ang pagkuha ng order, at itinanong pa kung anong fries ang gusto ni Chakie para side dish ng steak. 

“Um, it’s up to you. What you like, I will eat, okay? Because today’s my birthday,” muling banat ng content creator. 

Habang nagpipigil ng tawa, sumang-ayon na lamang ang waiter at nagtanong paano kung hindi magustuhan ni Chakie ang ibibigay ng kanilang restaurant. 

“What if you don’t like them, though?” ani ng waiter. 

“It’s okay. If I don’t like it, I will like you,” pabirong patutsada ni Chakie. 

Ang nasabing post ay umani ng mahigit anim na milyong engagement sa social media, dahil hindi rin nagpatalo ang netizens sa kanilang mga entry. 

“U should reply ‘if i dont like it, then it is not a match’ ”

“If I don't like it, I will eat you HAHAHAH”

Habang ang ilan naman ay pinansin ang reaksyon ng waiter at umano’y kagwapuhan nito. 

“His face says ‘Are we speaking the same language?’”

“[H]e looks like Flynn Rider”

Gayunpaman, bukod sa masayang palitan na ito sa restaurant, paano ba iintindihin at sasagutin nang tama ang sagot na, “how do you like your steak?” 

Ayon sa mga culinary chef, ang “how do you like your steak?” ay itinatanong para malaman ng waiter kung ano ang personal preference ng costumer sa pagkakaluto ng kaniyang steak. 

Ang tanong na ito ay puwede ring maging, “how do you like your steak cooked?” 

Para sa mga steak restaurant, walang “perfect temperature” para sa steak dahil iba-iba ang panlasa at preference ng mga customer.

Pero para mas mahasa ang kaalaman sa iba’t ibang luto ng steak, narito ang “steak guide” na makatulong sa susunod na marinig ang tanong na, “how do you like your steak?” 

Blue - ito ay kilala rin bilang “extra rare” dahil pinatutuyo ito nang mabilisan sa high heat na temperatura, na nag-iiwan ng hilaw, reddish-purple, at malambot na karne. 

Rare - ito ay iniluluto sa maikling oras sa 48ºC hanggang 52ºC. Makikita sa rare steak na bright red ang kulay ng loob ng karne dahil sa dugo na makikita rito.

Bukod pa rito, ang rare steak ay malambot at mas malasa nang kaunti sa blue steak. 

Medium o Medium Rare - ito ang tinatawag na “sweet spot” sa pagluluto ng steak dahil kadalasan itong nirerekomenda ng ilang culinary chef. 

Ang medium o medium rare steak ay iniluluto sa 63ºC, at nagpapakita ng light pink na kulay sa loob ng karne. 

Ang high-quality na medium steak ay magkakaroon ng malasang flavor ngunit malambot sa pagnguya. 

Well-Done - ito ang kinokonsiderang “most cooked” na steak dahil iniluluto ito sa 71°C na temperatura. 

Dahil dito, ang well-done steak ay mas matigas at dry sa pagnguya at wala nang makikitang kulay pink sa loob ng karne. 

Ang well-done steak ay inirerekomenda sa costumers na gusto ang mas malasang steak. 

Sean Antonio/BALITA