Nasawi ang dalawang estudyante matapos bumagsak ang ginagamit nilang ultralight aircraft sa gitna ng palayan sa Tarlac.
Ayon sa ibinahaging post ni Chester Paul Cunanan sa Facebook nitong Sabado, Oktubre 18, 2025, makikita ang pagresponde niya kasama ang ilang miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bumagsak na eroplano sa Brgy. Panalicsican, Concepcion, Tarlac.
Ani Chester, nailabas na sa nasabing bumagsak na eroplano ang katawan ng dalawang sakay nito at agad nilang dinala sa Concepcion District Hostal.
“When we arrived at the crash site, we saw that the victims had already been extracted by residents, the team urgently load the victims to the spineboard and transported to Concepcion District Hospita,” mababasa sa kaniyang caption.
Photo courtesy: Chester Paul Cunanan (FB)
Ayon naman sa ulat ng Concepcion Municipal Police Office, 12:35 ng tanghali nang makarating sa kanila ang report ng nasabing insidente.
Magkaklase umano ang 19-anyos na lalaking piloto at 18-anyos na babae mula sa Mabalacat City at Macabebe, Pampanga.
Nagtamo umano ang dalawang biktima ng serious physical injuries dahilan para ideklara silang Dead on Arrival ng nasabing hospital na pinagdalahan ng mga rumesponde sa kanila.
Samantala, hindi na naisapubliko ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima.
Mc Vincent Mirabuna/Balita