Naglabas ng pahayag si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon kaugnay sa nasabi ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may âkoneksyonâ umano si DPWH Usec. Arrey Perez sa mga kontratista sa maanomalyang flood-control projects.
Ayon sa isinagawang press conference Dizon nitong Biyernes, Oktubre 17, 2025, sinabi niyang agad niya umanong kinausap si Perez tungkol sa balitang may kaugnayan siya sa mga kontratista.Â
âImmediately, noâng nalaman ko âyon at may pinangalan si Congressman Leandro Leviste⊠kaya kinausap ko agad-agad si Under Secretary Arrey Perez,â saad ni Dizon.Â
âSinabi ko sa kaniya na âni-named ka ni Congressman Leviste⊠may mga narinig siya o binabase rin niya sa mga dating balita,ââ pagbabahagi pa niya.Â
Pagpapatuloy pa ni Dizon, sinabi niyang iimbestigahan umano nila ang isyu ni Perez upang sundin ang utos ni Pangulong Ferdinand âBongbongâ Marcos, Jr., na linisin ang kanilang ahensya.Â
âAng sabi ko, iimbestigahan natin ito kasi âyon ang kabilin-bilinan ng Pangulo sa atin na kailangang linisin natin ang DPWH,â anang secretary.Â
âAt ang paglilinis ay walang sinisino, walang sinasanto[...]â pagdidiin pa niya.Â
Kinumpirma naman ni Dizon na nag-abot na ng resignation letter si Perez sa kaniya at tinanggap na umano niya iyon.Â
âAng sinabi niya sa akin, unang una, wini-welcome niya âyon. Pero ayaw niyang makasagabal at ayaw niyang maging distraction ito dahil alam niyang napakabigat ng kailangan nating gawin,â ika niya.Â
âSiya ay nag-tender ng irrevocable resignation at ito syempre ay tinanggap ko na,â pagkukuwento pa ni Dizon.Â
Nilinaw naman ni Dizon na hindi na parte ng DPWH si Perez ngunit itutuloy pa rin nila ang imbestigasyong nauugnay sa kaniya.Â
âAs of today, hindi na po parte si Under Secretary Perez sa DPWH. Siya mismo ay nagkusa at nirerespeto natin âyong desisyon niya pero syempre, âyong imbestigasyon,â pagkukumpirma niya.Â
âHindi porket nag-resign, e, hindi natin iimbestigahan. Lahat âyan, kailangang imbestigahan at âyan ang gagawin natin,â ayon pa kay Dizon.Â
Ani Dizon, susundin umano nila ang trabaho ibinigay sa kanila ng Pangulo na walang sisinuhin at sasantuhin.Â
âKasi âyan ang trabaho na ibinigay sa atin ng Pangulo na wala tayong sisinuhin, wala tayong sasantuhin, at kailangang linisin natin ang DPWH,â pagtatapos pa ni Dizon.Â
Mc Vincent Mirabuna/Balita