Ibinahagi ni Angelica Yulo ang regalo sa kanilang sasakyan ng anak na at gymnast champion na si Karl Eldrew Yulo.
Si Angelica ay ina ni two-Olympic gold medalist Carlos Yulo habang si Karl Eldrew naman ay ang kaniyang nakababatang kapatid na umuukit na ng sariling pangalan sa gymnastics.
Sa Facebook post ni Angelica nitong Biyernes, Oktubre 17, 2025, nagpasalamat siya kay Karl Eldrew dahil sa nasabing birthday gift para sa kanilang mag-asawa.
“Bday gift to his dad Mark Andrew Yulo and early birthday gift for me. Thank you big time Karl Eldrew Yulo. God bless your big and kind,” ani Angelica sa caption.
Samantala, hindi naman naiwasan ungkatin ng ilang netizens sa comment section ng nasabing post ang pagkukumpara sa magkapatid na sina Carlos at Karl Eldrew, hinggil sa trato umano sa kanilang mga magulang.
"Angelica Poquiz Yulo baka naman yng mga ingGetera palabasin kay Caloy na naman galing ang pera."
"Ibang iba sa kapatid. Pagpalain ka pa Eldrew. SuWerte ka neto Angge."
"Anu kaya feeling ng kuya nyang SI carlos kung Makita e2."
"Congratulations sis, may magagalit na naman na kabataan at mainggit na marites."
"Congrats! Galante naman ni Eldrew."
"'Yan ang tunay na golden boy!"
"God bless u more and always Karl for u have honored ur parents!"
"Eldrew have a good heart to their parents....unlike iba Jan."