December 13, 2025

Home BALITA

Magnitude 5.2 na lindol, yumanig sa Ilocos Norte

Magnitude 5.2 na lindol, yumanig sa Ilocos Norte
DOST-PHIVOLCS

Yumanig ang magnitude 5.2 na lindol sa Ilocos Norte ngayong Biyernes ng hapon, Oktubre 17.

Sa tala ng PHIVOLCS, naganap ang lindol kaninang 4:14 PM sa Pagugpod, Ilocos Norte. 

may lalim itong 10 kilometro. 

Naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar: 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Intensity III - Bacarra, ILOCOS NORTE
Intensity II - Claveria, CAGAYAN; San Nicolas, ILOCOS NORTE; Sinait, ILOCOS SUR
Intensity I - City of Vigan, ILOCOS SUR

Samantala, walang inaasahang pinsala ngunit inaasahan ang aftershocks.

---

STORY UPDATE: As of 5:47 PM, ibinaba ng PHIVOLCS sa magnitude 5.0 ang naturang lindol