December 14, 2025

Home BALITA Metro

Kawatang senior citizen, timbog matapos ‘di makalabas sa pinagnakawang vape shop

Kawatang senior citizen, timbog matapos ‘di makalabas sa pinagnakawang vape shop
Photo courtesy: screengrab from Contributed video

Sa kulungan ang bagsak ng 61 taong gulang na lalaki matapos siyang ma-corner ng pulisya sa vape shop na kaniyang pinagnakawan sa Quezon City.

Ayon sa mga ulat nahagip ng CCTV ang aktong pagnanakaw ng suspek sa nasabing vape shop. Mapapanood sa nagkalat na CCTV footage ang pagdaan ng suspek sa roll up ng nasabing tindahan. 

Tinatayang nasa ₱3,000 na cash ang nadekwat ng suspek kabilang ang ₱1,300 na halaga ng vape products.

Lumalabas sa imbestigasyon na natiktikan ng may-ari ng vape shop ang CCTV camera kung saan niya napanood ang aktong pagnanakaw ng suspek. Agad umanong nagsumbong sa rumorondang pulsiya ang may-ari ng nasabing tindahan kung kaya't naabangan ang suspek.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Batay sa CCTV footage, agad na nai-lock ng pulisya ang roll up kung saan lumusot ang suspek. Nagpumilit pa itong buksan ng suspek kung saan maririnig ang kaniyang pakikipagsigawan sa mga awtoridad.

Sa huli, napaupo na lang ang suspek sa loob ng vape shop hanggang siya ay maaresto.

Depensa ng suspek, nagawa niya raw nag krimen upang may maipambayad sa bumbay  dahil naubos ang kaniyang puhunang pantinda ng mais. 

Napag-alamang dati ng nakulong ang suspek bunsod ng magkakaibang kaso. Kasalukuyan na siyang nasa kustodiya ng Talipapa Police Station na nahaharap sa kasong robbery.