December 13, 2025

Home BALITA National

‘Kabataan, tayo na!’ Voter’s registration, aarangkada na simula Oktubre 20!

‘Kabataan, tayo na!’ Voter’s registration, aarangkada na simula Oktubre 20!
Photo courtesy: MB (FB)

Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang muling pag-arangkada ng voter’s registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections. 

Ayon sa Facebook page ng COMELEC, ang registration ay magsisimula sa Oktubre 20, 2025 hanggang Mayo 18, 2026, 8 am hanggang 5 pm, tuwing Lunes hanggang Sabado, kasama ang holidays.

Binanggit din ng COMELEC na lahat ng uri ng aplikasyon ay tatanggapin kabilang ang Transfer Application. 

Sa mga rehistranteng pupunta, mahalagang tandaan na magdala ng isang government-issued ID, dahil hindi tatanggapin ang cedula, barangay-issued certificate, barangay ID, at police clearance. 

National

Empleyadong sapilitang pinapasayaw sa Christmas party, puwedeng magreklamo—DOLE

Para naman sa mga probinsya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang voter’s registration ay mula Mayo 1 hanggang 18, 2026. 

Narito ang listahan ng government ID na maaaring dalhin sa pagpaparehistro sa COMELEC: 

- PhilSys National ID 

- Postal ID 

- PWD ID 

- Student’s ID o Library Card

- Senior Citizen’s ID 

- Driver’s License o Student’s Permit

- NBI Clearance

- Philippine Passport

- SSS, GSIS, PRC, IBP, UMID ID 

- NCIP Certification of Confirmation

Sean Antonio/BALITA