Tila kapuwa nagpa-tattooo sina “Open Endings” stars Janella Salvador at Klea Pineda batay sa lumutang na larawan sa social media.
Sa Instagram account kasi ng isang tattoo studio, makikita ang magkasamang larawan nina Janella at Klea na parehong naka-black outfit pa.
“Thank you for always supporting Arté ,” saad ng Arté Tattoo & Piercing Studio sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ganda ng balat mo Janella puting puti sisirain mo lang mg tato."
"umay ung tibo na yan. putang ina para sa pelikula gagawin lahat"
"Di nahuhulan kaninong kamay un post sa tiktok eto "
"Tapos na po Ang movie"
"It’s a sign"
"Dyan na din ako mag-papa-tattoo pag may jowa na ako. "
"Matchy outfits "
Matatandaang nauugnay si Klea kay Janella simula nang magkasama sila sa bago nilang pelikula. In fact, pinagsuspetsahan pa ngang may kinalaman ang huli sa breakup ni Klea at ng ex-girlfriend nito.
KAUGNAY NA BALITA: Priorities muna! Klea Pineda hiwalay na sa girlfriend na si Katrice Kierulf-Balita
Ngunit nauna nang pinabulaanan ni Klea na wala raw nangyaring third party. Sabi naman ni Janella, “Kung ano 'yong nakikita n'yo, 'yon na 'yon.”
KAUGNAY NA BALITA: Klea Pineda idiniing labas si Janella Salvador sa hiwalayan nila ni Katrice Kierulf
Maki-Balita: Hindi raw third party: Janella kay Klea, 'Kung ano nakikita n'yo, 'yon na 'yon!'