December 12, 2025

Home BALITA

DOJ, pinabulaanang kinokonsidera si Romualdez bilang state witness

DOJ, pinabulaanang kinokonsidera si Romualdez bilang state witness
Photo Courtesy: via MB

Naglabas ng pahayag ang Department of Justice (DOJ) para itanggi ang bali-balitang ikinokonsidera nila si dating House Speaker at Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez na gawing state witness.

Sa pahayag ng DOJ nitong Biyernes, Oktubre 17, sinabi nilang wala raw makatotohanan o legal na batayan ang nasabing misimpormasyon.

“We clarify that to be considered as a state witness, an application must be filed with the DOJ, through the Witness Protection, Security and Benefits Program (WPSB),” saad ng DOJ.

Dagdag pa nila, “This application, like all others, will have to be evaluated first to ascertain whether or not the applicant qualifies as state witness.”

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Sa ngayon, wala pang ipinapasang aplikasyon si Romualdez sa DOJ para gawing state witness ang sarili.

“The DOJ assures the public that all investigations will be done swiftly and fairly. No one will be spared if the evidence so warrants. The Department will go where the evidence leads us,” dugtong pa ng ahensya.

Sa huli, pinag-ingat ng DOJ ang publiko na mahulog sa bitag ng mapanlinlang na katotohahan o political propaganda. Tiniyak ng ahensya na mananatiling matatag ang paninindigan nilang itaguyod ang panuntunan ng batas.

Matatandaang nauna nang sinabi ng Palasyo na nakadepende umano sa DOJ kung ikokonsidera nila si Romualdez sa ilalim ng WPSB. 

Anang Malacañang, “Ito naman po ay irerekomenda sa Korte. So, lahat po ‘yan ay depende sa lahat ng mangyayari. So, hindi pa po natin masasabi kung siya ay puwedeng maging state witness o hindi.”

Maki-Balita: Pagiging state witness ni Romualdez, nakadepende sa DOJ—Palasyo