Sinagot ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kaugnay sa sinabi niya noong hindi siya aalis sa kaniyang opisina hangga’t hindi nareresolba ang anomalya sa flood-control projects.
“Kaya naman, hindi kayo magtataka that, if there’s one thing, I will not leave this office until I fix this. This is it. This is one of those things[...]” saad ng Pangulo matapos inspeksiyunin ang Kennon Road rock shed project sa Tuba, Benguet noong Agosto 24, 2025.
Ayon naman sa ibinahaging post ni Barzaga sa kaniyang Facebook nitong Biyernes, Oktubre 17, 2025, makikitang nagawa niyang pahagingan si PBBM.
“Edi habambuhay ka na diyan? Dahil hindi maaayos ang problema sa flood control hangga’t hindi ka naalis sa palasyo,” saad ni Barzaga.
Photo courtesy: Kiko Barzaga (FB)
Kinatigan naman ng netizens ang naturang pahayag ng congressman.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ni Barzaga:
“So.... Meaning, never kayo aalis? Like Martial law?, just like ur dad? . PP3 FTW”
“Hindi alam NG PRESIDENTE na cya Ang pinaka Malaki problema”
“Totoo, hindi maayos dahil ayaw ni bbm madiin ang pinsan nya dahil madadamay clang pamilya. Connect the dot.”
“Kpal tlga mukha nya sobra na nga khihiyan nangyari sa bnsa ntin dhil sa knya..san kha yan xa nkakuha ng kakapal ng mukha tlga.”
“PERFECT ANSWER CONG KIKO B.”
“Mas maganda mag RESIGN nalang kaysa PAALISIN ka ng mga taongbayan.”
“Irony. What a problem trying to be the solution.”
“Tama ka congressman kiko!”
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang palasyo kaugnay sa nasabi ni Barzaga.
Mc Vincent Mirabuna/Balita