December 13, 2025

Home BALITA

Akbayan, tinatanggap pagsasapubliko ng SALN ng mga politiko ‘ngunit hindi ito sapat'

Akbayan, tinatanggap pagsasapubliko ng SALN ng mga politiko ‘ngunit hindi ito sapat'
Photo courtesy: Mc Vincent Mirabuna | BALITA

Nagbigay ng pahayag ang ilan sa mga miyembro ng Akbayan partylist kaugnay sa naging kilos ng Ombudsman na isapubliko ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng lahat ng opisyal sa Pamahalaan.

Ayon sa naging panayam sa media ni Akbayan Youth Secretary General Khylla Meneses nitong Biyernes, Oktubre 17, 2025, sinabi niyang tinatanggap nila ang naging pag-uutos na ito ng Ombudsman.

“We welcome po ‘yong paglabas ng Ombudsman sa pagbibigay ng access sa SALN,” pagsisimula niya.

“Pero atin pong mapanawagan muli na hindi po sapat na i-request lamang itong mga public documents na SALN[...]” paggigiit naman niya.

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Ani Meneses, dapat umanong maisapubliko ang nasabing dokumento ng mga opisyal nang hindi humihingi ng pahintulot ang taumbayan sa gobyerno.

“Dapat ito ay binibigyan ng access ‘yong ating mga kababayan na walang kahit anong pahintulot mula sa ating public officials,” saad niya.

Pagpapatuloy pa niya, mahalaga rin umano na mapanood ng publiko ang pagdinig at imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

“Mahalaga po ang pag-livestream o pag-open ng ICI na pagdating sa investigation dahil dito po natin mababantayan kung ano ang mga totoong nangyayari sa investigation,” paliwanag niya.

“Mahalaga po ang participation ng civil society organization, mga estudyante at kabataan sa mga nangyayari sa pagbabantay ng pondo ng ating bayan,” pagtatapos pa ni Meneses.

Kaugnay nito ang pagdaraos ng nasabing grupo ng White Ribbon protest at Noise Barrage nitong umaga ng Biyernes sa Kamias cor. EDSA sa Quezon City.

Dinaluhan ang nasabing protesta ng mga miyembro ng Akbayan Partylist, Tindig Pilipinas, at Youth Against Kurakot (YAK) kung saan namahagi sila ng mga puting ribbon sa mga motoristang dumaan sa nasabing lugar.

Mc Vincent Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita