December 13, 2025

Home BALITA

2 Pinay OFW na napaulat na nawawala sa Hong Kong, ligtas na natagpuan!

2 Pinay OFW na napaulat na nawawala sa Hong Kong, ligtas na natagpuan!
Photo courtesy: via Hong Kong Police Force

Inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac na natagpuan na ang dalawang Pilipinang Overseas Filipino Worker (OFW) na ilang linggo nang nawawala sa Hong Kong.

Sa kaniyang X post nitong Biyernes, Oktubre 17, 2025, iginiit ni Cacdac na kasalukuyan na raw nasa tanggapan ng Migrant Workers Office (MWO) and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang dalawang OFW na ayon sa mga ulat ay magkasintahan umano.

“The two missing OFWs in Hong Kong have been found and taken to the MWO-OWWA office in HK,” ani Cacdac.

Bagama’t walang nabanggit na detalye sa biglaang pagkawala ng dalawang Pilipina, iginiit ni Cacdac na sa police station umano nakuha ang dalawang OFW. Nakatakda na rin daw ipa-repatriate ng dalawa.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“They were picked up from a police station and are safe and sound, and will be repatriated soon,” anang kalihim.

Matatandaang noong Oktubre 4 nang huling makitang magkasama ang dalawang nasabing OFW kung saan ayon sa MWO ay nakapag-day off pa raw ang dalawa at saka bigo nang nakabalik sa kanilang mga employer. 

“Ang detalye na alam natin, nakapag day off sila at hindi nanumbalik sa kani-kanilang mga employers. Ni-report agad ng employers, ‘yon ang standard procedure,” saad ni Cacdac.

KAUGNAY NA BALITA: 'Nakapag-day off pa bago mawala!' DMW, patuloy paghahanap sa 2 Pinay OFW sa Hong Kong