December 13, 2025

Home BALITA

'Wala akong pakialam sa mga Discaya!' Sen. Go, dumipensa sa pag-uugnay sa kaniya sa flood control probe

'Wala akong pakialam sa mga Discaya!' Sen. Go, dumipensa sa pag-uugnay sa kaniya sa flood control probe
Photo courtesy: screengrab Senate of the Philippines/FB

Pumalag si Sen. Bong Go hinggil sa pag-uugnay sa kaniya sa isyu ng maanomalyang flood control projects.

Sa kaniyang press briefing nitong Huwebes, Oktubre 16, 2025, tahasang itinanggi ni Go ang mga alegasyong idinidikit umano laban sa kaniya, kabilang ang kaugnayan niya sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

“Hindi ko po kilala ang mga Discaya. Wala po akong kinalaman sa kanila at wala po akong pakialam sa mga Discaya,” anang senador.

Saad pa niya, nakahanda rin daw siyang maging complainant upang makasuhan ang mga Discaya at kaniyang mga kaanak.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Kasuhan n’yo. Eh kung mga kamag-anak ko kasama diyan, nag-joint venture sila, noong 2017 umatras na nga eh. Edi panagutin natin. I’m willing to be the complainant. Walang problema doon,” saad ni Go.

Matatandaang naugnay sa nasabing isyu ang senador bunsod ng kompanya ng kaniyang amang napangalanan sa pagdinig ng Senado sa flood control probe.

“Kung mayroon pong pagkukulang o deficiencies or mali. Ako mismo po ang magrerekomenda sa komiteng ito na kasuhan kayo kahit kasama ang kamag-anak ko,” ani Go sa pagdinig ng Senado noong Setyembre 1.

Paglilinaw pa niya, “At ulitin ko for the 9th time, I have nothing to do with business of my family. Wala po akong kinalaman sa negosyo nila.”

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Go, handang pakasuhan kaanak niyang sangkot sa umano'y venture sa mga Discaya

Samantala, may pakiusap din ang senador sa mga pilit na nagbibintang umano laban sa kaniya.

Aniya, “Huwag n’yo pong ipahid sa akin ang dumi para kayo ang pumuti. Huwag ganon.”

Dagdag pa niya, “Panagutin po natin ang dapat panagutin. Panagutin po ang dapat managot.”