Hindi muna umano magbibigay ng komento si Vice President Sara Duterte kaugnay sa pagiging “epektibong” state witness ni dating House Speaker Martin Romualdez sa flood-control anomalies.
Ayon sa pinaunlakang media forum ni VP Sara nitong Huwebes, Oktubre 16, 2025, sinabi niyang hindi umano siya sigurado kung totoong desisyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagiging state witness ni Romualdez.
“Hindi ako mag-comment d’yan kasi hindi ko alam kung totoo ba talagang sinabi ng ICI ‘yan at desisyon ng body ‘yan na siya ay maging state witness,” pagsisimula niya.
Pagpapatuloy ni VP Sara, magbibigay na lang umano siya ng komento kapag nakikita na niya mismo na totoong state witness ang dating House Speaker.
“Mamaya na lang tayo magkomento kapag andyan na ‘yong kaso at nakikita na natin na totoo talagang state witness siya,” saad niya.
Ngunit binigyang-diin naman ni VP Sara na hindi umano puwedeng maging state witness ang isang indibidwal kung siya ang “principal” ng isang naturang krimen.
“Pero sa batas, ‘yong principal sa krimen ay hindi puwede maging state witness,” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: 'Hindi sila tinapay!' VP Sara, bumanat sa mga ugali nina PBBM, Romualdez, at Co
MAKI-BALITA: 'Expected na?' VP Sara, iginiit na ‘aabot’ sa kanila ni FPRRD imbestigasyon ng ICI
Mc Vincent Mirabuna/Balita