'IBA ANG GANDA NG ISANG MARIAN RIVERA!'
Tila walang kupas ang kagandahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera habang inirarampa ang isang white couture gown sa isang fashion show sa Vietnam.
Ibinahagi ng Hacchic Couture, host ng fashion show, ang ilang video at photos ni Marian habang rumarampa ito suot ang isang white couture gown sa Ho Chi Minh City.
"Marian Rivera graced the Hacchic show like a dream come true," saad nito sa Instagram post.
Samantala, sa isang Instagram post kamakailan, ibinahagi ni Marian ang pagsalubong sa kaniya ng kaniyang mga fans sa Vietnam.