December 14, 2025

Home BALITA Internasyonal

Naungusan ng 5 bansa! Pilipinas, pang-6 na lang sa tourist arrivals sa Southeast Asia

Naungusan ng 5 bansa! Pilipinas, pang-6 na lang sa tourist arrivals sa Southeast Asia
Photo courtesy: Unsplash, Freepik

Pang-anim ang Pilipinas sa puwesto sa bilang ng mga bansang may mataas na tourist arrival sa Southeast Asia (SEA) sa unang kalahati ng 2025, ayon sa tala ng Seasia Stats noong Miyerkules, Oktubre 15. 

Ayon sa social media ng Seasia Stats, nasa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na tourist arrival sa SEA.

Ang bansa ay may naitalang 3.96 milyong pagbisita mula Enero hanggang Agosto 2025 dahil sa promosyon nito ng mga isla at ecotourism sa international market. 

Ang ranking ay pinangunahan ng Malaysia na may 28.4 na milyong turismo dahil sa malawak nitong pasyalan, mula sa cultural heritage nito hanggang sa mga modernong tanawin.

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Sumunod ang Thailand na may 21.88 milyong bilang ng pagbisita dahil sa mga lokal na lutuin at mga beach. 

Ang Vietnam sa top 3 na may 13.9 milyong bilang ng turismo dahil sa yumayabong nitong mga tourist destination tulad ng Hanoi, Ho Chi Minh City, at Ha Long Bay. 

Ang Singapore sa top 4 na may 11.6 na milyong bilang turismo dahil naman sa business at leisure travels, at ang Indonesia sa top 5 na may 10.04 na milyong bilang ng turismo dahil sa malaking archipelago ng bansa at patuloy na pagsikat ng Bali sa mga foreign tourist. 

Ayon sa Travel and Tour World (TTW), ang bilang ng mga turista sa mga bansang nabanggit ay mula sa iba pang karatig na rehiyon sa SEA, maging ang ilan pang mas malalayong bansa sa Asya at ilang kontinente tulad nga South Korea, Japan, China, US, at Australia. 

Sa karagdagang ulat, nag-uwi ng iba’t ibang parangal ang Pilipinas sa 2025 World Travel Awards (WTA) Asia at Oceania Gala Ceremony nitong Martes, Oktubre 14.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia-Frasco, ang mga parangal na ito ay bilang pagkilala sa natural na ganda ng bansa. 

Ang mga parangal na ito ay ang mga: 

- Asia’s Leading Beach Destination dahil sa mga white-sand beach sa bansa. 

- Asia’s Leading Dive Destination  dahil sa mayabong na biodiversity ng mga karagatan sa bansa. 

- Asia’s Leading Island Destination na nagpapatunay na isang “tropical haven” ang bansa. 

- Asia’s Leading Tourist Board dahil sa pagsusumikap ng Pilipinas na pagyamanin ang turismo sa global market. 

Kabilang din dito ang pagiging Asia’s Leading Luxury Island para sa Boracay, Asia’s Leading Meetings at Conference Destination para sa Clark Freeport Zone. 

Sean Antonio/BALITA