December 13, 2025

Home BALITA

LPA, nakapasok na ng PAR; may malaking tsansa na maging bagyo

LPA, nakapasok na ng PAR; may malaking tsansa na maging bagyo
DOST-PAGASA

May malaking tsansa na maging isang bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa loob na ng Philippine Area of Responsbility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Huwebes, Oktubre 16.

Sa 5:00 PM forecast, ibinahagi ng PAGASA na nakapasok sa PAR ang LPA kaninang 12:00 PM. At as of 3:00 PM naman, huli itong namataan sa layong 1,060 kilometers Silangan ng Southeastern Luzon.

Ayon sa weather bureau, posible itong maging isang mahinang bagyo sa susunod na 24 na oras. 

Kung magiging bagyo ang LPA, papangalanan itong "Ramil," ang ikatlong bagyo ngayong Oktubre at ika-18 ngayong 2025.

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza

Bagama't "highly uncertatin" pa ang magiging direksyon nito sa oras na maging bagyo, isa sa nakikita ng PAGASA na gagalaw ito pa-west northwestward, kung saan tatahakin nito ang Isabela at Cagayan area. 

Magla-landfall daw ito sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga at tatawirin ang Ilocos region palabas ng PAR.

Bukod dito, isa rin sa nakikita ng weather bureau na ito ay kikilos pa-southwestward kung saan tatahakin nito Bicol region at magwe-west northwestward patungong Isabela o Aurora area. 

"Highly uncertain pa po 'yong magiging scenario o definite track nitong posibleng maging bagyong Ramil.

Inaabisuhan natin 'yong mga kababayan nating nasa may Silangang bahagi ng Southern, Central, at Northern Luzon na mag-ingat at maghanda na sa banta ng posibeng maging bagyo.