December 12, 2025

Home BALITA

'Expected na?' VP Sara, iginiit na ‘aabot’ sa kanila ni FPRRD imbestigasyon ng ICI

'Expected na?' VP Sara, iginiit na ‘aabot’ sa kanila ni FPRRD imbestigasyon ng ICI
Photo courtesy: Contributed photo

Inihayag ni Vice President Sara Duterte na aabot umano sa kanilang dalawa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa maanomalyang flood control projects.

Sa ambush interview ng media kay VP Sara nitong Huwebes, Oktubre 16, 2025, iginiit niyang aabot sa kaniya at sa kaniyang ama ang nasabing isyu.

“Aabot syempre ‘yon kay FPRRD, ano ka ba? Kay PRD tsaka sa akin,” anang Pangalawang Pangulo.

Samantala, bago nito, naunang sabihin ni VP Sara na sigurado raw siyang hindi siya madadawit sa isyu ng flood control projects dahil wala umano siyang naging ganoong proyekto noong siya ay gabinete pa ng kasalukuyang administrasyon.

'Dedma kung dating hepe!' DILG, tiwalang kayang arestuhin ng PNP si Sen. Bato

“Sigurado ako hindi aabot sa akin yung flood control scandal. Kasi unang-una, wala namang flood control project sa OVP or sa Department of Education,” ani VP Sara.

Dagdag pa niya, “In fact hindi nga nila masabi ngayon na may insertions ang Vice President eh, kasi wala talaga. Hindi ako sumasali sa ganiyan.”

Ngunit paglilinaw ng Pangalawang Pangulo, nakikita na raw niya ang posibilidad na iugnay silang mag-ama sa nasabing isyu dahil sa koneksyon nila kay Sen. Bong Go na nadadawit bilang isa umanong kontraktor. 

“Kung aabot man sa akin, sa tingin ko aabot siya, sa tingin ko ili-link nila..Susubukan nila na paabutin sa akin dahil sa kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Bong Go. Doon siguro nila gagawan ng kuwento ‘yon. Yung part na, ako, si PRD nasa gitna at si Sen. Bong Go,” giit ni VP Sara.

Matatandaang naugnay sa nasabing isyu ang senador bunsod ng kompanya ng kaniyang amang napangalanan sa pagdinig ng Senado sa flood control probe.

“Kung mayroon pong pagkukulang o deficiencies or mali. Ako mismo po ang magrerekomenda sa komiteng ito na kasuhan kayo kahit kasama ang kamag-anak ko,” ani Go.

Paglilinaw pa niya, “At ulitin ko for the 9th time, I have nothing to do with business of my family. Wala po akong kinalaman sa negosyo nila.”

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Go, handang pakasuhan kaanak niyang sangkot sa umano'y venture sa mga Discaya