Kasabay ng sunod-sunod na banta ng lindol kamakailan, naalarma rin ang karamihan dahil sa pagkalat ng flu-like illnesses sa bansa, partikular na sa Metro Manila. Dulot nito, nag-suspend ang Department of Education - National Capital Region (DepEd-NCR) ng face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa buong rehiyon, bilang paghahanda sa nasabing sakit.
KAUGNAY NA BALITA: Face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa NCR, sinuspinde!-Balita
Dahil dito, nabuksan ang diskusyon patungkol sa self-medication at pag-inom ng antibiotics kontra sa influenza o flu.
Kaya naman, nagpaalala ang doctor-content creator na si Dr. Kilimanguru hinggil sa pag-inom ng antibiotics upang labanan ang sakit na influenza o flu, at nilinaw na kailangang may prescription ito mula sa mga espesyalista.
Ibinahagi niya sa Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 16, ang kaugnayan ng antibiotics at ng sakit na flu.
“Do not self-medicate with antibiotics to cure FLU. The FLU is caused by a VIRUS. Antibiotics fight bacteria,” ani Dr. Kilimanguru.
“Only take antibiotics prescribed by your Doctor after a check up,” dagdag pa niya.
Sa comment section ng nasabing post, ibinahagi niya ring kaya umano ng katawan naturally na labanan ang flu, ngunit ito ay nakadepende sa immune system ng tao.
“Kaya naman labanan ng katawan naturally ang flu virus. Yun nga lang kasi may mga tao na mas malakas ang immune system at meron naman yung mga mas mahina. Kaya may iba na 4 to 7 days nag recover na. Pero yung iba kailangan ng 2 weeks for full recovery,” aniya.
Inilahad niya rin ang ilan pang mga paalalang dapat tandaan ukol dito.
- Do not drink softdrinks or anything sweet. Wag ipilit.
- Do not drink coffee. Pero kung gusto talaga, dapat black coffee ito at 1 cup lang.
- Uminom lamang ng tubig, puwede rin ang calamnsi or lemon tea with honey, ginger tea.
- Uminom ng warm clear broths tulad ng sabaw sa tinola or nilaga.
- Kailangan mong kumain. Kahit na ng nanghihina ka, kailangan mong pilitin sarili mong kumain kasi kailangan ng katawan mo ng lakas para makapag-recover. Mas lalo pang mapapatagal ang recovery pag wala kang kinakain. Go for soft foods kung wala talagang gana para mas madaling ma-digest.
- Pag may sore throat ka, magmumog with 1 cup of warm water mixed with 1 tsp of salt for 30 seconds, 3 to 4x a day.
- Pag my dry cough ka, bumili ng Dextromethorphan - kahit anong brand. Or puwede rin yung Lagundi syrup. Make sure tanungin sa Pharmacist kung ano ang proper dose.
- Pag may cough with plema, bumili ng Guaifenesin or Carbocisteine. Over the counter lahat ito.
- Pinakaimportante talaga ang magpahinga. You need proper sleep. Hindi ka puwede mag-normal routine pag nasa first 3 to 4 days ka ng sakit mo.
Samantala, sa pag-aaral naman na isinagawa ni Dr. Sabrina Felson ng WebMD, isiniwalat niya ring mas marami pang “harm” ang dulot ng pag-inom ng antibiotics, kaysa sa “good,” kung ikaw ay may flu.
“Taking antibiotics when you have a virus may do more harm than good. Taking antibiotics when they are not needed increases your risk of getting an infection later that may resist antibiotic treatment,” ani Felson.
“Antibiotics only cure certain infections due to bacteria -- and if taken carelessly, you may get more serious health problems than you bargained for,” dagdag pa niya.
Saad pa ng doktor: “With any illness, it is critical to address the underlying cause, whether it's bacterial or viral. Antibiotics will not kill cold or flu viruses.”
Vincent Gutierrez/BALITA