Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department on Interior and Local Government (DILG) hinggil sa pag-uugnay umano sa kanila sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Sa pamamagitan ng Facebook post sa kanilang opisyal na Facebook page nitong Huwebes, Oktubre 16, 2025, iginiit ng ahensya na hindi raw parte ng kanilang mandato na mag-implementa ng nasabing mga proyekto.
“The Department of the Interior and Local Government (DILG) clarifies that it has never implemented any flood control project as it is not a mandate of the department,” anang DILG.
Matatandaang nananatiling mainit na isyu sa bansa ang maanomalyang flood control projects na inaasahang tutugon dapat sa malawakang pagbaha na isa sa mga pangunahing problema ng bansa sa tuwing tumatama ang mga bagyo.
Noong Hulyo 2025 nang tuluyang naungkat ang usapin sa maanomalyang proyekto nang ungkatin ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA)
“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad niya.
MAKI-BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'