Inilahad ni Kapuso actor Benjamin Alves ang kaniyang paghanga kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.
Ibinahagi ng aktor sa panayam ng PEP na siya ay nasorpresa nang mamataan ang nasabing kalihim sa isa umanong membership club na kaniyang pinuntahan para sa isang panayam kamakailan.
Inilahad niya ring nagkabatian silang dalawa ni Sec. Dizon, nang siya ay tinanguan nito, at tinawag niya naman itong “Sir” at “Idol.”
Nang matanong tungkol sa reaksiyon ng aktor nang makita ang kalihim, walang patumpik-tumpik itong sumagot na tagahanga siya umano nito.
“I’m a fan! He really did more in what, less than two months, sixty days? Man of action, I guess. That’s the best way to describe him,” aniya sa PEP.
“When he said he’s gonna clean house, you see it’s happening. You see him out there trying to do the service na hinihingi natin sa isang public servant, so I’m a fan,” dagdag pa niya.
Matatandaang isiniwalat ni Sec. Dizon noong Miyerkules, Oktubre 15, na may mga bagong pangalan umano ang lumutang hinggil sa isyu ng flood control projects.
“Actually, mas malawak na ngayon. Hindi lang ‘yong mga usual na pangalan ang lumalabas ngayon,” ani Sec. Dizon.
“Kapag nakita n’yo po ‘yong mga kasong ipa-file ng ICI sa susunod, mayroon na pong ibang mga contractor na pangalan na makikita n’yo do’n. Hindi na po ito ‘yong usual,” saad pa ng kalihim.
MAKI-BALITA: DPWH, isiniwalat na may mga bagong sangkot sa flood control projects issue-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA