December 13, 2025

Home FEATURES BALITAnaw

BALITAnaw: Paggunita sa unang anibersaryo ng pagpanaw ni Liam Payne

BALITAnaw: Paggunita sa unang anibersaryo ng pagpanaw ni Liam Payne
Photo courtesy: Liam Payne/IG


Hindi napigilan ng mga fans na ihayag ang pagka-miss nila sa dating miyembro ng English pop boy band na “One Direction” na si Liam Payne, kasabay ang paggunita sa unang anibersaryo ng kaniyang pagpanaw.

Tila bumabaha ngayon ng mga komento mula sa kaniyang fans ang Instagram (IG) posts ng namayapang mang-aawit.

Isa na nga rito ay ang IG post ni Liam kung saan inanunsyo niya ang paglabas ng lyric video ng awitin niyang “Teardrops.”

“The ‘Teardrops’ lyric video is out now,” ani Liam sa caption.

Mababasa naman sa comment section nito ang patuloy na pagluluksa ng ilan niyang fans.

Photo courtesy: Liam Payne/IG

Isa rin sa mga IG posts na dinumog ng kaniyang fans ay ang pakikiramay niya sa pagpanaw ng filmmaker at TV producer na si Morgan Spurlock.

“Rest in peace Morgan Spurlock it was a pleasure working with you,” ani Liam.

Kalakip nito ang litrato ng “One Direction” kasama ang nasabing TV producer.

Photo courtesy: Liam Payne/IG

Narito pa ang ilan sa mga komento ng fans ni Liam.

Photo courtesy: Liam Payne/IG

Matatandaang pumutok ang balitang pumanaw ang British pop singer matapos umani ng “extreme serious injuries” mula sa pagkakahulog nito sa ikatlong palapag ng Casa Sur Hotel sa Palermo, Argentina.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, pumanaw na-Balita

Ayon sa ilang mga imbestigasyon, napag-alamang nagpositibo umano sa ilang uri ng drugs ang mang-aawit, nang isagawa sa kaniya ang preliminary toxicology test at autopsy.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne positibo, nakitaan ng 'multiple drugs' sa autopsy-Balita

Naging usap-usapan din ang AUD$109M o ₱4B halaga ng mga ari-ariang iniwan ng mang-aawit sa anak na si Bear Grey.

“My life now is his, my money is his. I actually have got several companies that are up and running that I know he can run if he wants to. And if he wants to sell them, he can sell them; if he wants to run them, he can run them. That’s his choice,” ani Liam sa isang panayam.

KAUGNAY NA BALITA: Bilyong halaga ng yaman ni Liam Payne, mapupunta sa nag-iisang anak-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA