December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ayaw magpaka-showbiz! Daniel Padilla, naurirat kung may jowa na

Ayaw magpaka-showbiz! Daniel Padilla, naurirat kung may jowa na
Photo courtesy: MB File Photo

Natanong ang Kapamilya star na si Daniel Padilla kung kumusta na ang buhay pag-ibig niya at estado ng puso niya ngayon, habang kumakain kasama ang mga kaanak at kaibigan.

Nasa South Korea nang mga sandaling iyon si DJ matapos tanggapin ang parangal bilang "Outstanding Asian Star" sa naganap na 2025 Seoul International Drama Awards na ginanap sa KBS Hall, Seoul, South Korea.

Pasimpleng tinanong ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe kung "may jowa" na ba siya sa kasalukuyan, sa "Are You G" na mapapanood sa The Filipino Channel (TFC) YouTube channel.

Pero hindi ito direktang sinagot ni DJ.

Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

"May jowa ka na ba?" tanong ni MJ.

"Hahaha, kain muna tayo," natawang saad ni Daniel.

Sundot naman ni MJ, iyan daw kasi ang mga naging headlines sa mga nagdaang araw.

"Huwag nating i-pressure 'yong mga sarili natin... ayoko na rin ng showbiz ba 'yon? Sorry ah," sey ni Daniel.

Pahayag pa ng aktor, hayaan na lamang daw lumabas at mangyari ang mga ganoong detalye, peo ang tila pinupunto niya, mas nais na muna niyang gawing pribado ito.

Matatandaang na-link si Daniel sa co-star niyang si Kaila Estrada na kasama niya sa action series na "Incognito."

KAUGNAY NA BALITA: Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz

Pero hanggang sa kasalukuyan, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Daniel at Kaila tungkol dito.