December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai, ipinagdiwang anibersaryo ng pag-iwan ng 'inakalang kasama na habambuhay'

Ai Ai, ipinagdiwang anibersaryo ng pag-iwan ng 'inakalang kasama na habambuhay'
Photo courtesy: Ai Ai Delas Alas (IG) via Fashion Pulis

Isang taon na ang lumipas mula nang dumaan sa mabigat na yugto ng kaniyang buhay ang komedyanteng si Ai Ai delas Alas, at ngayon, ibinahagi niya sa social media ang isang taos-pusong mensahe ng pasasalamat at pagbangon.

Sa kainyang post, nagbalik-tanaw si Ai Ai sa mga panahong tila naguluhan at naligaw siya matapos iwan ng taong akala niya’y makakasama niya habambuhay.

Ayon sa kaniya, dumaan siya sa mga sandaling puno ng sakit, katahimikan, at pagkalito, ngunit hindi raw siya bumitaw sa pananalig at pag-asa.

“Isang taon na ang lumipas mula nang iwan ako ng taong akala ko’y kasama ko habang buhay. Naligaw ako, naguluhan, at halos hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Pero sa gitna ng sakit, gulo, at katahimikan — nariyan kayo,” ani Ai Ai sa kanyang post.

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Lubos din ang kanyang pasasalamat sa mga taong hindi siya iniwan sa gitna ng unos — mula sa mga kaibigan, pari, at kapamilya, hanggang sa mga tagahanga na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

"Isang taon na ang lumipas mula nang iwan ako ng taong akala ko'y kasama ko habang buhay. Naligaw ako, naguluhan, at halos hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Pero sa gitna ng sakit, gulo, at katahimikan — nariyan kayo. Sa lahat ng dumamay, umunawa, tumahimik sa tabi ko, at nagdasal para sa akin — salamat," saad niya.

Pinapurihan din niya ang Mahal na Inang Maria at si Father Allan Samonte, na tinawag niyang “BFF,” pati na rin ang kaniyang mga kaibigang pari sa kanilang mga panalangin. Bukod dito, binanggit din niya kung paano nakatulong ang zumba, gym, at mga kaibigan sa fitness community upang maibalik ang sigla at lakas sa kaniyang buhay.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Ai Ai ang kaniyang anak na si Sancho Vito delas Alas, na isa sa mga patuloy na nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon.

"Salamat sa anak kong si Sancho @sancho vito delas alas .. at higit sa lahat salamat sa aking mga tagasuporta, followers, fans .. noong panahon na yun ,ang parate kong isina sa isip at isina sa puso ang comment na nabasa ko.. "Isang tao lang sya milyon kaming nag mamahal sayo," aniya.

Sa pagtatapos ng kaniyang mensahe, muling ipinakita ni Ai Ai ang kaniyang katatagan at pananampalataya, patunay na kahit matapos ang mga luha at pagkadapa, may bagong simula pa ring naghihintay.

"Isang tao lang s'ya milyon kaming nagmamahal sayo," saad ni Ai Ai.

Matatandaang noong Nobyembre 2024, kinumpirma ni Ai Ai na hiwalay na sila ng kaniyang mister na si Gerald Sibayan.

"Hiwalay na kami. Last month pa. Basta hindi ko makakalimutan. October 14, nag-chat siya, madaling araw sa Pilipinas. 'Yon nga. Sinabi niya na gusto niya magkaanak at hindi na siya happy," saad ni Ai Ai, sa panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda."

"So medyo confused ako and shocked, and bakit ngayon? Bakit ngayong oras na 'to? Sana hinintay mo man lang ako makauwi sa Amerika,” dugtong pa niya.

Pero ayon sa comedy queen, sinubukan daw naman nilang magkasupling sa pamamagitan ng vitro fertilization (IVF). Ngunit nasaktan umano si Gerald nang hindi nila nabuhay ang dalawa sa mga ito.

KAUGNAY NA BALITA: Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan

Halos isang dekada ring nagsama bilang mag-asawa ang dalawa. Ikinasal sila noong 2017 sa Christ the King Parish Church sa Quezon City.