January 26, 2026

Home BALITA National

9 na contractors, tumulong sa mga politiko noong 2025 elections—Comelec

9 na contractors, tumulong sa mga politiko noong 2025 elections—Comelec

Isiniwalat ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na may siyam na contractors ang nagbigay-tulong sa mga politiko sa nagdaang 2025 elections.

"Lilinawin ko lang for 2025 [elections] wala pa tayong kino-confirm na kahit na sinong kandidato whether nanalo o natalo," saad ni Garcia sa isang ambush interview nitong Huwebes, Oktubre 16. "Pero kino-confirm ko na more or less ay may nakita na tayong 9 na contractors na nagbigay din ng tulong sa mga politiko."

Hindi pa pinangalanan ng Comelec chief ang mga politiko ngunit, aniya, matatapos nila ang listahan sa loob ng dalawang linggo.

Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ng Comelec na hindi pa naglalabas ng sertipikasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa 54 na kontratista na tinitingnan ng poll body, na nagbigay ng campaign donations sa mga kandidato noon namang May 2022 elections. 

National

PCG, pinuri kapitan ng lumubog na cargo ship sa WPS; mga kasama, 'di pinabayaan!

Hiniling ng Comelec sa ahensya na patunayan kung ang mga kontratista ay may mga kontrata sa gobyerno bago maghain ng kandidatura at pagkatapos ng pagsasagawa ng halalan.

Hihingi din umano sila ng sertipikasyon para sa nadiskubre nilang siyam na contractor na para sa 2025 elections.

"Pag na-confirm din namin yun sa 2025 naman muli namin ilalabas 'yan bahala na ang public na mag-compare kung talaga bang contractor na nagbigay nung 2022, contractor na nagbigay din nitong 2025," saad pa ni Garcia.