December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Yung totoo, ano na po?' Anne 'inip' na, wala pa ring napapanagot sa flood control issues

'Yung totoo, ano na po?' Anne 'inip' na, wala pa ring napapanagot sa flood control issues
Photo courtesy: via MB

Tila naghihintay na rin ang Kapamilya Star at "It's Showtime" host na si Anne Curtis na may mapanagot sa mga sangkot na mambabatas at kontratista sa maanomalyang flood control projects.

Ibinahagi kasi ni Anne sa Instagram story ang isang art card mula sa "Follow The Trend Movement (FTTM) page kung saan mababasang 42 days na raw simula nang mag-umpisa ang flood control hearings, subalit hanggang ngayon, wala pa ring nananagot.

"42 days since hearings on flood control project started," mababasa rito.

"Wala pa ring napapanagot," dagdag pa.

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

Nagkomento naman dito si Anne, sa pamamagitan ng text caption.

"ung Totoo? Ano naaa po?" sey ni Anne.

Photo courtesy: Screenshot from Anne Curtis (IG)

Isa si Anne sa mga celebrity na direktang nagpapahayag ng kanilang pananaw at saloobin hinggil sa mga isyung panlipunan, kabilang na ang usapin ng flood control project anomalies.