Kinaaliwan sa social media ang post ng social media personality, aktres, at TV host na si Alex Gonzaga matapos niyang ibahagi ang kaniyang nakakatuwang engkuwentro nila ng Kapuso award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho sa concert ni Mariah Carey sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Martes, Oktubre 15.
Sa kaniyang post, makikita ang larawan ni Alex kasama ang mister na si Mikee Morada habang ka-selfie nila si Jessica.
"Lumipad ang aming team para makahalubilo sa concert si ms Jessica Soho!!! Vlog na ba ito? Sana pumayag na si madam," caption ni Alex.
Marami naman sa mga netizen ang nag-request na sana nga, mag-collab ang dalawa sa isang vlog, o kaya naman, maitampok ang buhay ni Alex sa award-winning magazine show ni Jessica, ang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS).