Hindi pinalampas ng singer-actor na si James Reid ang komento ng ilang netizen hinggil sa dati niyang relasyon sa aktres na si Nadine Lustre.
Mababasa sa isang TikTok video ni James kamakailan ang ilang pamumutakti ng netizens na tila inuungkat ang nakaraan nila ng dating jowa.
Photo courtesy: James Reid/TikTok via Fashion Pulis
Narito pa ang ilang bakbakan sa pagitan ni James at ilang netizen.
Photo courtesy: James Reid/TikTok via Fashion Pulis
Hindi nagpahuli si James at ikinomento naman nito ang ilang “sweet” photos nila ng kaniyang girlfriend na si Issa Pressman.
Photo courtesy: James Reid/TikTok via Fashion Pulis
Sa isang hiwalay na komento, hinihiling niya na sana ang lahat ay makahanap umano ng pagmamahal na nang-iinspire at magbibigay ng rason upang sila ay maging “best self.”
“So many bitter people that can stand to see me this happy. I hope all of you here find love like I did that inspires you and gives you a reason to be your best self. Love is the answer,” ani James.
Photo courtesy: James Reid/TikTok via Fashion Pulis
Habang isinusulat ang artikulong ito, napag-alamang in-off na ni James ang comment section ng nasabing TikTok video.
Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsyo ng Dreamscape Entertainment na magtatambal sa isang upcoming series si James Reid at ang Outstanding Asian Star na si Kathryn Bernardo.
KAUGNAY NA BALITA: Maja Salvador kasama sa project nina James Reid, Kathryn Bernardo-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA