Usap-usapan ang pasorpresang birthday celebration ng ilang homestaff para kay Kapuso star Bea Alonzo kasama ang kaniyang bilyonaryong boyfriend na si businessman Vincent Co.
Sa kumakalat na TikTok video na iniulat ng Fashion Pulis, makikitang nakasuot ng all-white outfit si Bea nang pumasok siya sa isang bahay. Pagtingin niya, bumulaga na sa kaniya ang sorpresa sa kaniya ng staff.
Makikita namang masayang-masayang hinipan ni Bea ang mga nakasinding kandila sa kaniyang cake.
Samantala, iba-iba naman ang napansin ng mga netizen kay Bea, batay sa comment section ng post. Napansin ng ilang mga netizen kung gaano ka-respectful si Bea matapos alisin ang footwear niya bago pumasok nang tuluyan sa loob ng bahay.
Pinansin naman ng ilan ang looks niya, at sinabing ang ganda-ganda niya ngayon at talagang blooming na blooming, na tila alaga sa pagmamahal ni Vincent.
Pero ilan din ang nakapansing tila nag-gain weight daw siya at may mga nagsabi pa ngang parang may kapansin-pansin daw sa bandang puson at balakang ng aktres.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen batay sa comment section ng post:
"visible ung baby bump? or delulu lang Ako.. sana pregnant talaga si B.."
"Parang pregy na siya"
"napanood ko sa marites university kasal na daw sila sa ibang bansa yan daw usap usapan sa chinese community taz yong wedding nila next year for formality nalang daw..sana true.."
"If she really is married & preggy already, good for herrrrr!! Finally so happy"
"mas naappreciate ko yong iniwan nya sandal sa gilid.shows respect talaga"
"Bea Alonzo na yan pero ng remove pa din nga sandal bago Pumasok"
"People out here talking about pregnancy and I'm here wanted to see anyone talking about her being thoughtful for removing here footwear before entering the house."
"Respecting home by removing slipper is wow."
"Ako lang ba yung nag aantay lumuhod si Mr. Puregold hoping to propose. Omg im so kilig tlaga sa dalawang to."
"bakit parang may baby bump?"
"Ito yung gusto kong version ni Bea. Yung makakahanap sya ng lalaki na hindi sya mappressure kung tataba sya o hindi, basta pure healthy relationship lang. Yung di nya kailangan magworry kahit kainin nya lahat ng gusto nyang kainin."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Bea o ni Vincent hinggil sa mga espekulasyon ng netizens. Bukas ang Balita sa kanilang panig.