December 13, 2025

Home BALITA

Rowena Guanzon, gagawing 'alarm clock' boses ni Aljur

Rowena Guanzon, gagawing 'alarm clock' boses ni Aljur
Photo courtesy: Rowena Guanzon/FB, Aljur Abrenica/FB


Gagawin daw umanong “alarm clock” ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang boses ng dating aktor na si Aljur Abrenica, matapos niyang marinig ang boses nito sa pagkanta.

Ibinahagi ni Guanzon sa kaniyang Facebook post noong Martes, Oktubre 14, na sisikapin din niya umanong unahan ang ise-set na alarm.

“[M]ahal ko si [K]ylie [P]adilla pero napanood ko to sakto 12am, so gagawin ko tong alarm clock para sikapin na gumising ng mas maaga sa na-set ko time para di marinig,” ani Guanzon.

Umani naman ng iba’t ibang reaksiyon ang nasabing post ng dating Comelec commissioner.

“Gigising ng maaga pra ma off ang alarm! Hahahahahahahaha. Maganda idea to Atty!”

“Inang boses yan. Boses Mickey Mouse na naipit yung ulo pagsara ng pintuan. Nasa spotify na ba 'to? Sana wala.”

Problema sa DPWH, ibang level kaysa Covid—Dizon

“Nice one Atty. Ganyan pala dapat, gawin mong alarm clock ang pinaka ayaw mo na kanta para mapilitan kang gumising b4 siya tumonog para hindi mo na marinig. Billiant idea!”

“Grabe kayo kay Aljur minsan nyo din ginustong tikman ang hotdog nyan sa tinidor hahaha”

“Let’s not promote bullying against people who did nothing to us. Yung pambubully sa mga anak ng magnanakaw, mga magnanakaw, o mga nagtatanggol sa magnanakaw, justified pa yun. Pero ‘yung mga taong wala namang ginagawang masama, huwag naman ganun. Ang dami nang masama sa mundo, sana huwag na tayong dumagdag pa”

Matatandaang kinaaliwan din ng netizens ang nasabing performance ni Aljur matapos kantahin ang awiting “Sugar” ng American pop rock band na Maroon 5 kamakailan.

Vincent Gutierrez/BALITA