Nagbabala si Finance Secretary Ralph Recto sa posibleng negatibong epekto ng panukalang batas na naglalayong ibaba sa 10% ang value-added tax (VAT) na kinokolekta ng pamahalaan.
Sa pagdinig ng Senado nitong Miyerkules, Oktubre 15, 2025, sinabi ni Recto na maaaring magdulot ng pagkalugi sa kita ng gobyerno ang naturang panukala.
"Kung magbabawas pa tayo ng revenue, baka pati ang current operating expenses natin uutangin na rin natin," ani Recto.
Dagdag pa ng kalihim, bagama’t maganda ang layunin ng mga mambabatas na naghain ng panukala, posible umanong magresulta ito sa pagbaba ng credit rating ng bansa kung maisasabatas.
Aniya, “I'm sure that those who have filed a bill all have well intentions. Having said that, at this point in time, if you do, I leave it to Congress. If you pass a bill, my warning will be: that there will be a possible credit rating downgrade.”
Matatandaang umugong na magalaw ang halaga ng tax na ibinubuwis ng taumbayan matapos pumutok ang isyu ng korapsyon sa maanomalyang flood control projects.
Kaugnay nito, isa si Cavite 4th district Kiko Barzaga na maingay na kritiko ng pamahalaan, sa mga nagsasabing dapat nang magkaroon ng pagbabago sa VAT.
"With the rising cost of living, inflationary pressures, and widespread calls for lax forms that promote equity and social justice, it is imperative for Congress to revisit the VAT system. This measure seeks to abolish VAT by reducing its rate from 12% to 0%, thereby relieving the tax burden on Filipino consumers and enhancing their purchasing power," ani Barzaga sa panayam sa kaniya ng media noong Oktubre 7.