December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Pokwang, nirampa outfit; 'di raw mahabol ng mga anak ng ‘magna’?

Pokwang, nirampa outfit; 'di raw mahabol ng mga anak ng ‘magna’?
Photo courtesy: itspokwang27/IG


Direkta ang mga patutsada ng TV host at komedyanteng si Pokwang sa mga tinawag niyang “anak ng ‘magna’,” habang nirarampa ang pakak niyang outfit.

Ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang Instagram post noong Martes, Oktubre 14, ang mga outfit niya umanong hindi mahabol ng mga umano’y anak ng “magna.”

“SHEIN VS mamahaling outfit ng mga anak ng magna haahahaha sinayang ang pera ng bayan woohoo tapos mi hindi nakahabol sa outfit ko na SHEIN!!!” ani Pokwang.

  Umani naman ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing IG post ng komedyana.

Planggana garapon! Di kailangan ng branded! Yan pa lang winner na!”


“Dapat po kasama yung isang nepowife who shamelessly flaunt her collection of alahas and luxury items that we all know she can’t afford without the help of her horribly corrupt senator husband”

“Slay mamang.. you are true inspiration I hope mkita kita dito sa Houston idol tlg kita noon pa.. sending love from Texas”

“43 Days na Mula nag umpisa ang sa senado pero hangga ngayon wala pang nakulong”

“Mas magandaaaa ka pa Ma. Mas mayaman ang dating“

“yaaaas.... diba mahal na suot ang papanget@pa nila”

Matatandaang kamakailan lamang ay ibinahagi rin ni Pokwang na siya umano ay nagkaroon ng trangkaso kakatrabaho para sa mga “nepo babies.”

“May trangkaso ako ngayon kaka trabaho para meron silang pang flex ng mga bongga nilang life style!! Huy mga nak wag kayo mag de activate ng mga socmed nyo! para alam ng taong bayan na napapasaya namin kayo,” saad ni Pokwang.

MAKI-BALITA: Pokwang, tinrangkaso kakatrabaho para sa nepo babies-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA