Nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bukas ang kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) kung sino man ang nais na humiling nito, kaugnay sa mga hakbang ng pamahalaan upang ibalik ang “transparency” at “accountability” nito.
Inilahad ito ni PBBM nitong Miyerkules, Oktubre 15, matapos tanggalin ng Office of the Ombudsman ang “restrictions” pagdating sa access ng naturang dokumento.
Susunod din daw ang administrasyon sa nakagawiang sistema, na aniya, “suspended” umano sa dating administrasyon.
“We will follow the old rules. These old rules were suspended in the last administration, where the SALN was — it was much easier to get a copy of the SALN and to examine it,” ani PBBM.
“I was quite surprised to find out when I first came into office that that was no longer the case - that it was almost impossible, in fact, to get a copy of people's SALN. We’re just going back to the old procedure, and we will follow that, whatever happens,” dagdag pa niya.
Nilinaw ng Pangulo na maging sa Independent Commission for Infrastructure, bukas ang kaniyang SALN.
“My SALN will be available to whoever would like to [see it]. Kung hingiin sa akin ng ICI, siyempre ibibigay ko. Kung hingiin sa akin ng Ombudsman, ibibigay ko,” anang Pangulo.
Matatandaang kamakailan ay may nilinaw si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla hinggil sa pagsasapubliko ng SALN.
“Ang gagawin natin d’yan sa SALN issue, hindi lang isa ‘yan, lahat ‘yan. Ire-reduct lang natin ‘yong dapat i-reduct, that’s a data privacy. Syempre hihingi tayo sa lahat ng requesting parties undertaking na hindi gagamitin ito sa paraan na hindi makakabuti sa bayan,” saad ni Remulla.
“Kasi baka mamaya, maging political noise lang ‘yan at maging poison lang. Baka naman pag-isipan natin ulit ‘yan,” dagdag pa niya.
MAKI-BALITA: Remulla, nanumpa na bilang bagong Ombudsman; nilinaw na hindi lang SALN ni VP Sara iimbestigahan-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA