December 13, 2025

Home BALITA National

Pamilya Duterte, planong mag-Pasko kasama ni FPRRD sa The Hague?

Pamilya Duterte, planong mag-Pasko kasama ni FPRRD sa The Hague?
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Nagbigay ng pahayag si Vice President Sara Duterte kaugnay sa maaaring posibilidad na abutin umano ng Pasko si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague sa The Netherlands. 

Ayon sa naging panayam ni VP Sara sa media nitong Miyerkules, Oktubre 15, 2025, ibinahagi niyang hindi pa umano niya nakakausap si FPRRD kaugnay sa darating na Pasko. 

“Hindi ko pa kasi siya nakakausap lately,” pagsisimula niya. 

Nilinaw naman ni VP Sara na sigurado umano siyang alam ni FPRRD na baka umabot siya sa nasabing bansa sa darating buwan ng Disyembre. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“But nakakausap naman niya ‘yong abogado niya araw-araw. So, alam ko na mayroon siyang information na ganoon ‘yong mangyayari,” ani VP Sara. 

Pagpapatuloy pa niya, inaayos pa lang umano ng mga miyembro ng pamilya nila ang pagbisita sa dating Pangulo sa The Hague. 

“Sa akin lang ngayon is hinahanda ko ‘yong schedule ng pagbisita ng mga family members,” saad pa niya. 

Samantala, ipinagbigay-alam naman ni VP Sara sa publiko na sigurado na umanong doon magpapasko at magbabagong taon ang kaniyang nakababatang kapatid na si Veronica “Kitty” Duterte. 

“Yes, kasi naka-on deck na si Veronica, si Kitty, para magpasko at mag-new year doon sa [The Hague], si Veronica at si Mira,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang nanindigan din si VP Sara na hindi umano siya lalapit kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para sa legal problem na kinakaharap ngayon ni FPRRD sa naging interview niya nito ring Miyerkules, Oktubre 15. 

MAKI-BALITA: 'Problema na namin ‘yon!' VP Sara, nanindigang ‘di lalapit kay PBBM para kay FPRRD

“Hindi ko kakausapin si BBM para kay dating Pangulong Duterte,” pagsisimula niya, “dahil ang sa akin, is ‘yong ginawa nila na government kidnapping ng isang Pilipino sa loob ng ating bansa,” saad ni VP Sara. 

“Kung ano man ‘yong legal problem ni dating Pangulong Duterte ngayon ay problema na niya ‘yon at syempre ng pamilya namin dahil ama namin siya,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: ‘Hanggang ngayon ayaw niyang gawin,’ VP Sara, bumuwelta kay PBBM na ituloy pagpapa-drug test

MAKI-BALITA: Zaldy Co, may kinalaman sa ‘laptop corruption scandal’ sa DepEd―VP Sara

Mc Vincent Mirabuna/Balita